[Vow]
I winked at my own reflection in the mirror. Damn, I look good. Pwedeng-pwede ligawan!
I'm now wearing the outfit I made for myself, which I plan to wear to the event later. Tinignan ko lang ang magiging itsura ko sa salamin kapag suot ko na.
It's much simpler, just like what I sewed for Kidlat. The only difference is that mine is sky blue. It's a typical suit design, complete with a blazer and pants. Unlike Kidlat's, which included a vest and a dress shirt underneath, my inner shirt is just a sky-blue fishnet top.
Sobrang liit lang naman ng mga butas kaya hindi naman talaga kita ang dibdib ko kahit fishnet tank top. At malaki naman ang nagawa kong blazer, so most of my inner top is hidden anyway. I figured light brown goes well with sky blue, so I used my light brown shoes and added some light brown accessories, most of which I borrowed from Andi and Autumn.
"Bakit, Ma? Ang sabi, nag-hire naman daw ng catering?"
Kumakain kami ng tanghalian namin sa bahay nang malaman ko ang plano nila mamayang gabi sa Christmas party ng Hacienda. If I want to pick a word to describe whatever I was feeling when I learned it was the case, it's going to be the word 'heartbroken.'
Mama drank her water before speaking. "Oo nga. Pero kailangan parin ng tulong kasi hindi naman kakayanin ng sa catering lang. At may request ding pagkain ang Senyora na wala sa catering. Tutulong ako, kasama sina Alma at Lyn."
I wanted to reason out. Ang akala ko ba party 'to para sa mga manggagawa ng Tarra Garra? Bakit, manggagawa rin naman si Mama, ah? At magpapa-catering na nga sila, magre-request pa ng ibang pagkain! Malamang sa malamang mapipilitan talaga sina Mama magtrabaho kahit christmas party kung gano'n! Nakakabanas naman 'to!
"But it's Christmas," I protested, feeling the weight of my disappointment.
"Yohan, ayos na 'yon. Nangako na ako. At bukod doon, gusto ko rin namang tumulong." Mama explained. "'Wag ka nang malungkot diyan. Dadalo naman ang mga kaibigan mo mamaya. Mage-enjoy ka ro'n."
I pouted, still not wanting to let the topic go. I don't really care if Andi and Autumn are going to be there tonight. Araw-araw ko naman nakikita ang mga mukha no'n. Sina Mama ang kailangan ko ngayon. We barely celebrate these kinds of holidays, and I really wanted tonight to be a family night too. Kaya lang, heto si Mama ngayon, naghahanda na para tumulong mamaya sa pagluluto ng mga pagkain. She's not going to attend as a guest but as a worker, like always. Na ikinahihimutok ng loob ko dahil ang alam ko, para naman sa lahat ng tauhan ng Tarra Garra ang Christmas party. If anything, tonight should be a rest day for my parents.
Si Papa naman ang tinignan ko ngayon, sinukuan na si Mama dahil hindi na yata siya madadaan sa pamimilit.
"Ikaw rin, Pa?" I sounded hopeful.
Malungkot na agad ang tingin sa akin ni Papa.
"Nagpapatulong sa akin sina Peter sa pag-aayos ngayon, lalo na sa mga jumbotron at mga screen. Pagod na ako mamayang gabi kaya baka maaga akong matutulog."
Wala na yatang ikalulungkot pa sa itsura ko. I wanted to reason out again, but I also knew there was nothing I could do. Given Papa's age, he gets tired very quickly. Kung tutulong nga siya mamaya sa pag-aayos, malamang gugustuhin na lang talaga niyang matulog mamayang gabi sa pagod. At naiintindihan ko naman 'yon kaya hindi ko na rin ipinilit.
I looked at Mama and thought the same thing. Ayaw na ayaw ni Mama na napipirmi at gusto palagi na may ginagawa. Even here at our house, she insists on doing literally almost everything. Kahit nga paghuhugas ng pinggan, nakikipagkumpetensiya pa ako sa kanya para lang matulungan siya dahil pati 'yon aakuin niya para daw hindi na ako madistorbo at mag-aral na lang. Even whenever we do our daily bonding, like watching TV or films on my laptop, she's either stitching some dress or cleaning the house at the same time. Ayaw niya talagang walang ginagawa kaya walang duda na gano'n din ang mangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
Where the Thunder Bows Its Head [BL] (Passion Series #1)
RomanceFreshly adopted by a childless couple working in a secluded hacienda, Yohan began his journey as an outsider in the wealthy Spanish clan of the Tarraniagas. With an assertive spirit and a great passion for fashion, Yohan caught the attention of the...