Memory 8

2 1 0
                                    

8:

"Uy namiss kita girl." Bungad sa akin ni Cris matapos kong maupo sa upuan ko, kahapon lang naman ako hindi pumasok.

Nginitian ko na lang siya, kahapon pa masama ang pakiramdam ko kaya para akong minamalat at hindi ko siya masagot.

"Ano girl? walang I miss you too?" Pabiro niyang sabi.

"Sira." Natawa na lang siya, ang sakit pa rin ng lalamunan ko talaga.

Natigil ang lahat ng may pumasok, akala nila professor pero nabalik naman ulit sila sa daldalan ng mapagtanto nilang si Michele lang yon, classmate ko pala siya?

"Classmate ka pala namin?" Parang nabasa naman ni Cris ang itatanong ko sana.

"Ako na lang ang da-daldal sayo kasi paos 'tong si August HAHA." Ngumiti na lang ako.

Hinipo naman ni Michele ang leeg ko at nanlaki ang mata niya.

"Ina-apoy ka ng lagnat pero parang wala lang sayo?" Taranta niyang sabi.

"Masama lang pakiramdam ko." Sabi ko, pero nararamdaman ko ang init ng mga mata ko at pakiramdam, hinipo na din ni Cris ang leeg ko at nagulat din siya, mag-re-react pa sana siya ng may pumasok ng bigla na prof.

Nag-attendance na yung prof pero ng pagdating sa akin..

"Miss Villaescudero, ayos ka na ba?" Nakita kong sasagot dapat si Cris pero inunahan ko na.

"Okay na po" Ngumiti ako.

"Mukhang hindi pa kasi namamaos ka pa tsaka namumula mga mata mo, pero gusto lang kita paalalahanan na kailangan mo mag catch up sa mga subjects mo." Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit po sir?"

"1 week 'kang absent e." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko iyon.

"Pero sir.." Pinutol ni Michele ang sasabihin ko.

"Sige tutulungan po namin siya mag-catch ni Cris." Tumango si Cris.

Habang nagsusulat siya sa board ay pilit kong inaalala kung paano ba magsulat. Inilipat lipat ko ang ballpen sa magkabila kong kamay, hindi din ako makapag-sulat ng maayos, hindi ko alam kung nilalagnat pa ba talaga ko o sadyang may mga bagay na hindi ko kotalaga maintindihan.

Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi galit at inis dahil pakiramdam ko may mga bagay talaga na hindi ko alam at ang masaklap hindi ko alam kung paano malalaman.

..

Pag-uwi ko ng bahay padabog kong binuksan ang pinto.

Nagulat naman si Mama sa ginawa ko.

"Ano ba 'yan August? Masisira ang pinto." Mahinahon niyang sabi.

"Ma, gusto 'kong makarinig ng isang matinong sagot, kahit isa lang, kahit ngayon lang.."

"Anak."

"Ano 'bang nangyayari?" Kung kanina pagalit kong sinasabi yon, ngayon parang nanlambot ang katawan ko.

Magsasalita na sana si Mama ng dumating si Papa..

"Umakyat ka na sa kwarto mo, nilalagnat ka pa." Mahinahon pero malamig niyang sabi, bigla nanaman nag init ang dugo ko.

Wala na akong kakayahang magsalita kaya ibinato ko ang katabi 'kong vase sa galit.

Dahil sa gulat ni Papa sinigawan niya ko.

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon