7:
Nagising ako sa mga nagsisigawang tao. Sa boses nito ay parang si Papa at si Kuya Ras ang nagtatalo.
Narinig kong inawat ito ni Mama, naalala ko nanaman ang mga sinabi sa akin ni Papa kagabi.
"Kung ano man ang sinasabi sayo ng Kuya mo huwag mong pakinggan." Malamig ang pakikitungo ni Papa sa aming magkakapatid, lumabas na siya at iniwan niya akong tulala.
Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at mahinahon na ang sitwasyon ng lahat.
Sa pagkababa ko ay may nakita kong hindi ko inaasahan makita.
"Ma'am VIcky." Bungad ko habang pababa ng hagdan.
Napansin kong namamawis at mukhang nine-nerbyos siya habang nakaupo.
Vicky Estraelita, In-charge on Library sa School namin.
Ngayon ko lang napansin na lahat ng pamilya ko nakapalibot sa kanya, kaya siguro mukha siyang ninenerbyos.
"Pwede po bang umalis muna kayong lahat?" Napalingon silang lahat sa akin.
Wala silang nagawa kundi umalis sa paligid ni Ma'am Vicky, minsan nawe-weirdohan na ako sa kanila.
Nakahinga naman si Ma'am Vicky.
"Ano po ba ang nagdala sa inyo rito?" Tanong ko rito.
"May gusto lang ako ibigay sayo." Ibinigay niya ang isang box, medyo mabigat ito.
"Ibibigay ko dapat yan last year sayo, kasi hinihingi mo yan, kaso bigla ka naman nawala, tapos hindi ko maibigay ngayon kasi magkaiba tayo ng schedule." Nag-aalangan niyang sinabi, pero ang ipinagtaka ko.
"Ngayon lang po ako pumasok sa school na yun." Pagkarinig niya ng mga sinabi ko dahan dahan siya lumingon sa pamilya ko, nagsimula nanaman siyang kabahan.
"Ay sige ma-una na ako." Nagmadali itong lumabas ng pinto, susundan ko sana ito pero pagtayo ko nabitawan ko ang box at sumakit nanaman ang ulo ko
..
"Shot tayo mga bes." Nagtatawan sila Kai, Cris, Macky at kung sino sino pa ito. Biglang napakunot ang noo ko, masyado ba akong lutang para hindi maalalang pumasok ako at ngayon nakikipag-inuman na? Nakatayo lang ako dito at pinagmamasdan sila
Sabay sabay silang tumayo at nag-kampay kampay, umupo na sila ulit at naginuman, nagkwentuhan, pero agad silang napahinto lahat ng may pumasok sa pinto.
"Susunduin ko na yung kaibigan ko." Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Michele. Binuhat niya ang isang babaeng halatang lasing na.
Sa bilis ng pangyayari pasakay na agad kami sa kotse niya. Nagpumilit ang babaeng lasing na siya na ang mag-drive hindi na tumanggi si Michele.

BINABASA MO ANG
Midnight Memories
Mystery / ThrillerAugust Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...