Memory 2

33 2 8
                                    


2:

"Oh nandyan na pala sila e." Bungad samin ni Mama matapos niya kaming makita ni Kuya Ras sa bakuran.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at nandoon na nga ang sinasabing bisita na tito daw namin.

..




"So August kamusta ka naman?" Tanong sakin ni Tito Arnel, naguluhan ako sa tinuran niya sa akin. Hindi siya ganoon kay Kuya Ras kanina

"Okay naman po" Nag-aalinlangan kong sagot. Ngumiti din naman si Tito Arnel pagkatapos kong sagutin ang tanong niya.

"Maganda yan" Nagtinginan sila nila Mama at Papa.

Arnel Villaescudero, kapatid ng Papa ko, taga-probinsya pero nagtapos ng BS Psychology.

Hindi ko pa siya nakikilala, pero kine-kwento sa akin ni Papa na siya daw ang nag-alaga sa akin.

Natapos na akong kumain at na-una na ako sa kwarto ko, marami pa akong tatapusin na designs, second week palang ay tinambakan na kami ng gawain.

..



Last design na ako ng biglang may kumatok sa pinto ko.

"Pasok." Yan na lang ang sabi ko habang tutok pa din ako sa laptop ko.

"August." Isang malalim na boses ang nakapag-palingon sa akin.

"Tito, Ano pong ginagawa niyo rito?" TInalikuran ko muna ang ginagawa ko para harapin si TIto Arnel.

"Gusto lang kitang kamustahin." Ngumiti siya akin, sinuklian ko na lang yon ng ngiti din.

"Okay naman po."

"May ibibigay nga pala ako sayong gamot, sabi ng Mama mo kasi.."

"Ah, marami pa po akong ginagawa Tito" Pagputol ko sa sinabi niya at tinalikuran siya "Iwan niyo na lang po kung gusto niyo." Dagdag ko.

Iniwan nga nito sa la mesa ko ang isang banig na tabletas. Napa-kunot ang noo ko dahil akala ko tapos na ang pagdududa ng mga magulang ko sa akin.

Bumuntong hininga ako at lumabas ng kwarto dala dala ang mga gamot na kabibigay lang sakin.

Pumunta ako sa kwarto ng mga magulang ko.

"Oh August? Anong problema?" Tanong sakin ni Mama

Ipinakita ko ang isang banig ng tabletas sakanila, ramdam naman na nila siguro na naiinis ako sa kung ano man ang iniisip nila sa akin.

"Anak hindi sa ganoon."

"Inumin mo na lang para hindi na tayo nagkaka-problema" Singit ni Papa, matalim ang mga tingin nito.

"Tama na ako na kakausap." At hinila ako ni Mama papunta sa sala.

Pinaupo niya ako sa sofa at hinawakan ang mga kamay ko.

"Anak, nakita ko kasi ang kobre kama mo sa labahan. Kaya naisip ko na baka bumalik yung sakit mo" Kita ko kay Mama ang pag-aalala niya.

"Ma, wala akong sakit, magtiwala naman kayo sa akin."

"Nagtitiwala ako anak, oo." Niyakap niya ako, naramdaman ko ang pagmamahal na iyon.



Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon