6:
"Ate August." Napamulat ako sa tumatapik sa mukha ko, si Genesis.
Naalala ko yung mga nabasa ko bago ako mawalan ng malay.
"Magtapat ka nga sa akin, meron ba akong hindi alam ha?" Napahinto siya at napa-upo sa kama.
"Ahm, maybe you should ask Kuya Ras, or find it by yourself." Mukhang nakahinga siya sa sinagot niya sa akin, pero mas lalo ako naguguluhan.
Binalewala ko na lang ang mga sagot niya, kung may itinatago sila sa akin, malalaman ko din yan.
Tumayo na ako para bumalik na sa kwarto ko
12:30 AM
..
Hindi na ako matulog, tapos na lahat ng designs ko.
Naupo na lang ako sa kama ko at napansin ang isang maliit na brown na cabinet sa ilalim ng study table ko.
Parang ngayon ko lang nakita yan ah, lumapit ako doon.
Pagka-bukas ko sa unang drawer ay puro papel na lukot, bumuklat ako ng isa
"onismis ccoamhedpsli"
"Month: July"
"Day: 25"
"Year: 2016"
"kacj gazpeli, ym lockbtema hatt sah eenb lliedub, htis si het yad hatt eh asw pussopde ot eb eadd. I edtrevpne mhi mfro ttgniup ish wno feli ot na dne, mfro na cta fo icuides."
Napa buntong hininga ako ng malalim, bakit ba ang dami kong nakikitang ganito, sa akin ba ito?
Nilukot ko ulit siya.
Sinara ko na ang unang drawer at binuksan ang pangalawa.
May nakita akong parang cardboard, binuklat ko yun and it turns out to be a board game.
Tinupi siya sa apat, at may tatlo pang piraso na ganoon, apat lahat kasama ang binuklat ko.
Pinagdugtong dugtong ko ito.
At kagaya ng mga nakikita ko, baliktad yung mga sulat.
"lenradca eatdh mega"
Yan yung nakalagay na title, puta baliktad ulit.
Tapos sa baba noon ay may card holder, may 12 na words na syempre baliktad ang mga nakasulat na nakalagay sa parang nameplate na card. Ayoko ng intindihin. Bwiset
Pero yung pinaka nakalagay sa board game ay naintindihan ko dahil puro numbers lang ito, para siyang kalendaryong ginawang board game, at ang character dalawa lang.
"Pang dalawa lang? Abnormal." Bulong ko sa sarili ko.
Gawa ang mga character sa plaster o paris at parang sinadya itong gawin. Ang isang character ay isang bungo, at pinagmasdan ko yung isa na parang..
"Ako ba to?" Pero ikinibit balikat ko na lang ito
Tinignan ko kung may instruction, at meron nga.
At as usual baliktad nanaman ang ma sulat.
Hindi ko na matiis at kumuha na ako ng lapis at papel para i-assemble na ang mga punyetang mga salita na yan.
Pero hindi ko ma-assemble yung mga salita, ibang lenggwahe yata ang mga salitang to.
Puta kanino ba ito? Nasisiraan na yata ang gumawa nito
BINABASA MO ANG
Midnight Memories
Mystery / ThrillerAugust Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...