Memory 1

72 3 7
                                    


1 :

Tumatakbo ako hanggang sa paglabas ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumatakbo ako hanggang sa paglabas ko..

Maraming pulis.

Ambulansya

At biglang pinosa-san ang lalaking humahabol sa akin

..

"August.."

"August bangon na.." Rinig kong sigaw ng Kuya ko mula sa labas ng kwarto ko.

Nagising ako na halos naliligo na sa pawis.

..

"Oh? Ano nanamang panaginip mo?" Bungad sakin ni Kuya Ras matapos niya akong makitang nagbaba ng kobre kama.

"Shh. wag kang maingay, marinig ka nila Papa." Yan na lang ang nasabi ko at dali dali ko ng inilagay sa labahan bago pa ako makita nila Papa.

..

"Oh, pagkatapos ng school diretso bahay na ha? wala munang ga-gala, may bisita tayo mamaya." Sabi ni Mama sa amin, ngumiti nalang kami ni Kuya Ras.

"Sino po pala?" Tanong ni Genesis, nakababata kong kapatid.

"Tito niyo galing probinsya." Singit ni Papa.

Tumango na lang ako at nagsimula ng mag ayos at umalis.

..

"Im Augustana Oasis Villaescudero, 15 and just call me August" at saka ako ngumiti sakanila, second week ng college life, pero ngayon lang pumasok itong prof na to so ngayon lang siya nag orientation.

"Can you tell us more? Ang ganda kasi ng name mo" Nag-smile naman sa akin yung prof.

"Ahm yeah, yung Papa ko po kasi ay dating nagba-banda, so ganyan po pangalan ko, yung kuya ko naman is si McFly Rascal, then si Genesis Light babaeng kapatid ko po, bunso" Ngumiti ulit ako sakanya, kasi siya naman ang nakaharap sakin e.

Hindi ko na narinig ang ibang niya pang sinsabi dahil parang may malamig na nasa likod ko.

Nilingon ko iyon at nanlaki ang mata ko. 



May bata sa likod ko.

Sinundan ko ito ng tingin at umupo sa katabi ni Sir Reyes.

Nabalik lang ako sa realidad ng tawagin ako ni Sir Reyes

"August?"

"Ahm?"

"I said go back to your seat, thank you for telling us." At ngumiti ito

Lumingon ako sa katabi niya at wala na ang bata doon.

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon