August Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hay dami namin plates." Sabi ni Prince, habang naglalakad kami palabas ng campus, tapos na ang PE class at napagpasyahan namin na sabay sabay umuwi.
"Lipat lipat ka pa kasi tonton." Tawa ni Kai, laging bunot si Prince. Kasama ni Prince ang girlfriend niya.
"Ang init ng dugo mo sakin, tsaka wag mo nga ako matawag tawag ng tonton dyan, nakakahiya naman kay Jean." Nagtawanan kami, kahit lagi siyang pinagtitripan ni Kai ay hindi naman ito napipikon.
"Ay talagang mahiya ka, yung ilang beses ka nagtake nakakahiya na e haha. Minsan barag baragin mo yan Jean." Pagpapatuloy ni Kai, hindi na namin namalayan na nasa gate na kami, isa-isa na nagpaalam ang mga kaibigan namin at naiwan nalang kami nila Michele, Prince, at Jean, yung girlfriend niya. Maya maya pa ay dumating na ang susundo kay Jean at nagpaalam na. Parang nakita ko na tong scenario na to.
Napansin ko naman na nakatingin si Michele sakin.
"Bakit?" Tanong ko rito, ngumiti siya, bakit parang natutunaw ako.
"Wala naman, ano naiisip mo?" Tanong niya sakin, wala naman, bukod don sa parang nakita ko na tong scene na to, sinabi ko sakanya na wala at inassure ko siya na wala naman talaga, nothing to worry about, besides, ito na ata yung unang araw na wala akong napapanaginipan na kung ano.
"O paano ba yan? Una na ko lovebirds." Kita ko na nabigla si Prince sa nasabi niya at agad itong binawi, tinignan ko si Michele at nagiwas ito ng tingin, nung binalik ko ang tingin ko kay Prince ay nakita ko na naglalakad na ito at kumakaway patalikod. Aalis na sana kami ni Michele ng mahagip ng mata ko na parang may nagmamasid samin. Naka motor ito at nakafull gear na itim kaya hindi mo malalaman kung sino. Papaliko na si Prince sa gilid na daan ng school ay nagsimula na itong umandar. Parang may iba akong nararamdaman, hinila ko si Michele at tumakbo kami kung saan naglakad si Prince.
"Bakit?" Tanong ni Michele, di ko na siya napakinggan at nagsorry nalang sa isip ko. Hanggang sa naabutan namin si Prince. Humarurot papalayo ang naka motor na iyon at nalagpasan na si Prince.
"Bakit? May problema ba?" Nang mapansin ni Prince na sinundan namin siya.
"Wala naman, sabay na kaya tayo umuwing tatlo?" Nagtaka naman si Prince, pero parang nung nakita niya si Michele ay sumangayon ito.
.
"Hindi niyo naman ako kailangan ihatid August. Kinikilig tuloy ako haha" Natatawang sabi nito ng makarating na kami sa tapat ng bahay nila, hindi naman ganoon kalayuan ang tinitirahan nila sa school namin kaya siguro pumayag nalang siya.
"Baliw." Natatawang sabi din ni Michele, nagpaalaman na kami, at naglakad na kami ni Michele pabalik. Nakakapagtaka na hindi na nagtanong si Prince kung bakit hinatid namin siya, lalo na si Michele na basta ko nalang kinaladkad.