5:
"Nice outfit August, ang ganda mo sa mala-nerdy mong look." Sabi sa akin ni Prince, classmate ko sa ilang mga subject, kinindatan niya pa ako, dukutin ko yang mata niya e.
Sinuot ko kasi yung salamin na walang grado, i-ta-try ko yung piso tsaka yung salamin connection.
Para hindi na ako mahihirapan maghalungkat ng salamin kapag nahulog yung piso.
Nakaupo lang ako sa upuan ko at tinitignan ang piso na hawak ko.
Pinaglalaruan ko ito at kunwari hindi ko sinasadyang mahulog, pero parang wala namang nangyayari, ilang beses ko ng inulit, hanggang sa..
"Miss Villaescudero, kung gusto mo ng kara-crus, huwag dito sa classroom, nakaka-distract yung ingay." Napayuko ako dahil bigla akong nahiya.
"Isang hulog pa ng baryang yan, kukunin ko na yan at pati ikaw lalabas." Matandang dalaga na kasi siya e, hinintay ko na lang matapos ang class.
..
Naglalakad ako sa labas ng makasalubong ko si Kai, hindi kami magka-classmate ngayon.
Napansin kong napahinto siya ng makita niya ko, mukhang naninibago.
"What's with the glass? Ang nerdy mo dyan ah." Ngiti niya sa akin, I can see the uneasiness in her eyes, pero isinantabi ko na lang yon.
"Bagay ba sa akin?" Pa-cute ko pang sabi.
"Leche hindi bagay sayo." Nagtawanan na lang kami, naglakad na kami pero nahinto kami kasi may kinausap muna siya saglit.
Nabalik yung paningin ko sa piso, bakit parang hindi naman gumagana.
"Hindi kasi yan gagana kapag sinasadya mong ihulog." Nagulat ako ng may lalaking nagsalita sa likod ko.
"Sino ka? at anong pake mo." Pagtataray ko, napabuntong hininga siya, kagaya ni Kai parehas sila na parang balisa, kitang kita ko yon sa mga mata nila. may mali ba sa outfit ko? Ang ganda ko nga e haha.
"Im Macky, and Hi." Bago pa ako makasagot tinalikuran niya na ako, puta bastos, siya unang kumausap sa akin e.
Ano namang alam non sa ginagawa ko.
Biglang naging maingay ang paligid, at may mga nagtatakbuhan, ano ba iyan parang mga highschool.
At kapag hindi ka nga naman tumabi..
Sa hindi inaasahan ay bigla akong tumilapon, as in tumilapon yung katawan ko sa sahig dahil sa pagkabangga ng isa sa tumatakbo, kasabay ng pagtilapon ko ay pagtilapon din nung piso.
Ramdam kong maraming nakatingin sa akin, kasama na si Kai kaya tumayo na ako ng mabilisan at nagpagpag, gumulong yung piso kaya pinuntahan ko yun at pinulot.
Pero pagka-pulot ko sa piso ay biglang nawala ang mga naka embossed na mga letra dito, at tanging nakita ko lang ay mukha ng isang lalaki.
Naalala ko ang nakasulat sa papel
"When the coin accidentally falls into the ground put your glasses on and look to the person in front of you."
Dahan dahan akong napatinigin sa lalaki sa harap ko.

BINABASA MO ANG
Midnight Memories
Misterio / SuspensoAugust Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...