August Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Wala kayong alam.."
"Wala kaming alam? O baka kasalanan mo din naman talaga bakit siya nagkakaganyan!?"
"Bakit kami ni Kuya, okay naman kami sayo? Bakit hindi niyo din kami painumin ng katulad ng gamot ni Ate August?"
"GL, hindi ka katulad ng Ate mo.."
Narinig 'kong sabi ng mga tao sa paligid ko, nawalan ako ng malay habang umaawat kanina kanila papa at mama, kasabay nito ay narinig 'kong baliktad ang pagtawag sakin ng mga nakapaligid sakin.
"August.." Nakita ako ni Kuya Ras na minulat ko yung mata ko, medyo okay na yung pakiramdam ko, hindi na mainit yung mga mata ko at pakiramdam ko di kagaya kanina na nagliliyab ako sa init.
"Uminom ka ng gamot mo." Malamig na pakikitungo sakin ni Papa, wala namang bago.
Nakatingin siya habang binibigay sakin ni Mama ang gamot, tinignan ko siya na para bang nagaalangan na ibigay sakin ang gamot, tinignan ko ulit si Papa at bakas sa mata niyang malamig ang pakikitungo nito sakin.
"Subukan niyong gumawa ng bagay para hindi niya iyan inumin." Matigas na pagkakasabi ni Papa, kinuha ko nalang ang gamot at ininom na. Nahiga nalang ako ulit pagkatapos. Lumabas na si Papa sa kwarto ko nang masiguro niya na nainom ko na.
Isa isa na din lumabas sila Kuya Ras, Mama, at GL.
Nang wala ng nakakita ay niluwa ko yung gamot na ipinainom sakin kanina. At inilagay ito sa bimpo na ginamit sakin sa noo kanina. Kapag gumaling ako, aalamin ko yung bagay na yan.
Biglang sumakit ang ulo ko, para 'bang lumilindol ng sobrang lakas sa pagkahilo ko.
Sobrang labo na ng paningin ko at nagsisimula naman lumiyab ang mga mata ko, pinilit ko tumayo pero nanlalambot ang mga ito, parang jellyace.
"August.."
"August...."
"Tsugua"
Nakakita ako ng mga tao sa paligid ko, yung mga taong napanaginipan ko, mga nakita ko ang hinaharap, nandito silang lahat. Lahat sila sinasabi ng sinasabi ang pangalan ko, nakakarindi to the point na ang lakas na nila sa tenga ko. Hinanap ko yung gamot na pinapainom sakin kanina, kahit wala akong lakas ay kinuha ko yung tubig at ininom na ito. Ilang sandali ay nagdilim na ang paningin ko at napikit na ako.
Nawala na din ang mga ingay kanina na parang kulang nalang ay humiwalay ang tenga ko sa ulo ko dahil sa sakit na nadarama nito.
Napunta ako sa isang bahay na familiar sa paningin ko. Parang kay Sir Reyes ito.
"Sir?" Pagtawag ko, nakita ko na nakaupo siya sa gilid ng kama niya habang hawak hawak ang ulo nito, hubo't hubad na umiiyak.