Memory 4

21 2 10
                                    


4:


Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ito nanaman tayo, langya'ng panaginip yan.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama at inilibot ang mga mata ko.

Parang nakapunta na ako rito.

"August." Napalingon ako sa sumigaw.

"August gumising ka na."

"Gising na ako." Malakas na pagkakabigkas ko.

"August ano ba?" Pumunta na yung kung sino man ang tumatawag sa akin, aba'y ang kulit ah.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung tumatawag sa akin.

"Michele?"

Nilingon ko naman ang pinuntahan niya dahil linagpasan niya lang ako.

"Auguuuuust." Mas lalo akong nagulat dahil sa pangalawang pagkakataon nakita ko ang sarili kong nakahiga.

Bumalikwas ang tinatawag niyang August at sinabing.

"Kailangan mo ng mag impake." Nagmadaling abutin ng pangalawang August dahil ako ang tunay ang maleta ni Michele.

"Bakit? May napaginipan ka ba ulit?" Sabi ni Michele, napakunot ang noo ko dahil, wala naman akong sinasabi sakanya, bakit alam niya?

Hindi siya sinagot nito.

"Teka ano bang nangyayari?" Singit ko.

Nang makuha na nila lahat ng gamit ni Michele ay agad na silang umalis. Sumunod ako sakanila ng mapalingon ako sa kalendaryo.

"May 13 2016." Parang mali ata ang kalendaryo nila. July 18 2017 ngayon, pero hinayaan ko na lang yon at sinundan na sila.

Pero bigla silang naglaho sa paningin ko.

"Michele." Itinulak ng malakas ng tao sa labas ang pinto, at bumungad sa akin ang isang lalaki na lasing.

Natakot ako kaya bigla akong nagtago sa likod ng sofa, sinundan ko na lang ito ng tingin at pumunta ang lalaking iyon sa kwarto ni Michele, pero nang malaman niyang wala ay bigla itong nagwala.

Tatayo na sana ako kaso may pumasok ulit na dalawa pang lalaki kaya yumuko ulit ako.

"Nasaan na ang pambayad mo?" Turan ng isa

"Gusto mo bang ikaw pagbayarin namin?"

"Hahanapin ko para sa inyo."

"Siguraduhin mo lang, at hindi na kami makapaghintay." Nagtawanan yung dalawa.

Ipambabayad utang si Michele?

Nang mapansin kong wala na sila ay tumayo na ko ng masagi ko ang vase.

"Ikaw yung kaibigan ni Michele diba?" Nanlaki ang mata ko dahil akala ko wala na siya.

Inumpisahan kong tumakbo

"August!"

"August!"

Hindi ko siya nilingon hanggang makapunta na ako sa labas ng mapatid ako ng kung ano man yon na dahilan ng pagkadapa ko.

"August!"




Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon