3:
Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okay lang ako
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba'pag nagsawa na ako
Bigla na lang ayoko na
Rinig kong pinapatugtog sa bahay, lumabas ako ng kwarto ko para tignan kung sino ang nagpapatugtog.
Langya, 12:30 na ng umaga at ang lakas lakas ng tugtog, gigil niyo ba si ako?
July 19, 2017, bigla akong napatingin sa kalendaryo, weird, lumabas na ako
Pero sa pag labas ko ang dilim ng paligid, bumalik ako sa kwarto para tignan kung nag brown out ba, malamig naman, lumapit ako kung nasaan ang aircon para i-check kung may hangin, may hangin naman.
Lumabas na ako at hinanap nalang ang switch ng ilaw.
Since kabisado ko naman kahit nakapikit nagdire-diretso ako at ng may makapang dingding kinapa ko kung nasaan ang switch pero wala akong makapa, bumalik na lang ako sa kwarto ko.
Pero sa pagpasok ko doon, ibang kwarto na ang nadatnan ko. Agad ko naman sinampal ang sarili ko dahil baka nananaginip nanaman ako. Pero walang epekto.
Pumasok pa rin ako sa loob at tinignan kung sino ang babaeng nakahiga.
"Teka parang pamilyar ka." Sabi ko sa sarili ko na halos idikit na ang mukha ko sa natutulog.
Natigil ang pagtitig ko ng biglang.
"Michele." Mababakas mo sa nagtawag sa kanya na lasing ito.
Rinig ko ang yabag ng mga paa ng tumawag sa kanya.
Nagulat ako ng biglang bumangon si Michele at nagtago sa kabinet, nagtago na din ako. Katabi ko lang siya ngayon at ramdam ko ang kabog ng dibdib niya
"Hanggang kailan." At biglang tumulo ang luha niya.
"Anong maiitutulong ko?" Aligagang tanong ko sakanya, pero hindi siya sumagot.
"Michele, yuuhoo." Tawag ng lasing sakanya.
Tinakpan niya ang bibig niya para hindi siya makita.
"Tagu-taguan ba ang gusto mo? Handa akong maglaro niyan." Tumatawa pang sabi nito.
"Hindi ka na maililigtas ng kaibigan mong adik. hehe." Ramdam ko ang takot sakanya, nadagdagan yon ng..
"Ano pare? Nahanap mo na pamangkin mo?." May isang nagsabi nito.
"Wala kaming pulutan, paglulutuin ka lang naman namin e." Sabi pa ng isa, mukhang suma total tatlo sila kasama ang siguro'y Tito niya.

BINABASA MO ANG
Midnight Memories
Misterio / SuspensoAugust Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...