"Kaya mo na pumasok?" Bungad sakin ni Kuya Ras habang nagaayos ako ng gamit bago pumasok ng school. Ngumit naman ako at nakita ko sa mukha niyang nagulat siya. Bakit? Ngayon lang ba ako ngumiti?
"Oo okay lang ako, bat nagulat ka haha. Okay ka lang ba?" Ngumiti siya. Ngayon ko lang siya nakita ngumiti din, ang weird pala, pero ngayon ko lang ba siya nakita o baka wala lang ako natandaan.
"Nga pala" Sabi ko, sa hindi ko malamang dahilan nakalimutan ko. "Ano nga pala middle name natin?" Nakita kong naguluhan siya sa tanong ko. Ewan ko, nakalimutan ko talaga. Kaya minsan nagaalangan ako sa gamot na ipinapainom sakin.
"Ybañez, bakit mo nakalimutan?" Pagtataka pa nito. Napaisip naman ako, itatanong ko ba sakanya kung sino si Oasis Ybañez, baka kamaganak namin na kapangalan ko. Nakita naman niya na natulala ako.
"Sigurado ka bang okay ka na? Pwede ka pa naman magpahinga pa, college ka naman na." Pag aasure niya.
"Isang linggo daw ako nilagnat, hindi ko man lang alam. Nako mahuhuli na ko niyan sa nga lesson." Naguluhan ulit yung mukha niya.
"Nung isang araw ka lang nilagnat August." Now it's my time na maguluhan. Gusto ko pa sana magtanong sakanya, kaso alam ko naman sasabihin niya lang yung sinasabi ng iba, alamin ko. Bakit parang may iba akong nararamdaman.
"Una na ko." Ayun nalang nasabi ko, at lumabas na ng kwarto at umalis, sumigaw pa si Kuya Ras na ihatid ako pero sinabi ko na okay lang, iisa lang kami ng school na pinapasukan kasama si GL, iba lang ng building.
.
"Hi Auguuuuuussssttt" At niyakap ako ni Kai, nakita ko naman na nakatingin si Michele samin.
"Ehem." Habang kunwaring nagsusulat. Cute. Ay.
"Ay sorry haha." Ngumiti naman si Kai na parang nahihiya. "Anyway, kumusta ka naman genius kid?" Tinaasan ko siya ng kilay. Genius Kid? Parang narinig ko na yang Genius Kid na yan.
"Okay naman haha, haba naman ng pagkaka August mo, tsaka anong Genius Kid?" Pagtatanong ko, nakita ko na natigilan siya at nakita ko si Cris at Michele na napatingin.
"Ay sinabi ko? Ano ka ba, e genius ka naman talaga diba, kahit nga nilalagnat ka kahapon naperfect mo yung mini exam natin." May kinuha siyang papel sa bag niya at proud na iwinagayway sa mukha ko.
"90/90, partida may sakit diba?" Pagpapatuloy nito habang tinatanong niya sila Cris at Michele para sumangayon. Kinuha ko at tinignan ang papel. Ang naalala ko noon nung nagsusulat kami ay hindi ako makapagsulat ng maayos. Paano ako naging perfect.
"Chamba lang to haha" Nung nilagay ko na sa bag ko yung papel ay binalik ko ang tingin sakanila. Nakita ko naman na parang nagulat sila.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Sabi ko.
"Wa-wala. 'Wag ka naman masyado magpakastress, mamaya lagnatin ka nanaman, hirap na hirap kami buhatin ka palabas ng school, buti nga dumating si Prince e." Ang daldal ni Kai haha, parang gusto ko siya sakalin. Ay.
"Miss Santacruz tama na yan nagdadaldal ka nanaman." Nagulat siya nung magsalita ang prof namin. Nagtawanan lahat sa klase, ako din natawa. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin si Michele sakin at nakangiti. Nilingon ko siya pero nagiwas siya ng tingin.
.
"San tayo kakain?" Sabi ni Cris habang naglalakad kaming apat kasama si Michele.
"Ayoko makarinig sa ferson na mag lolounge siya." Parinig ni Kai sakin, natawa nalang ako. Napansin ko naman na nasa likuran ko lang lagi si Michele.
BINABASA MO ANG
Midnight Memories
Mystery / ThrillerAugust Oasis Villaescudero, a 15-year-old girl who woke up after having a bad dream, suddenly discovered an unusual thing happening in her life. As the days went by, things started to make her feel that there's something more that happened before sh...