Chapter 5: "WHY?"

6 2 0
                                    

(AN: Same day sa Chapter 4 :)

Prince's POV

Nagtatawanan lang kami ni Ron sa room nang napansin ko ang pagpasok ni Chelle kasama si Lawrence. Nung umupo na si Chelle sa tabi ko, umalis na si Ron at pumunta sa kanyang orihinal na upuan.

Nagtataka lang kasi ako eh. Parang... iniiwasan na niya ako.

Bakit kaya?

Gusto ko pa naman siyang maging matalik na kaibigan.

" :) Chelle..."

Nung ngumiti ako, biglang nag-iba ang facial expression niya.

"Ahm... hehe..."

Bahagya siyang ngumiti at maya-maya, tumingin sa may bintana.

Iniiwasan niya talaga ako.

Galit kaya siya?

May nagawa ba akong masama sa kanya?

Maayos naman ang pamamasyal namin noong nakaraang araw ah?

"Galit ka ba?"

Matagal siya bago nakasagot.

"H-h-hindi, Prince."

Nautal pa siya.

"Para ka kasing galit eh. These past few days, iniiwasan mo ako. Sabihin mo nga sa'kin, may problema ba?"

Nang sabihin ko yun, namutla siyang bigla.

"Ahh... ehh... h-h-hindi lang kasi m-m-maganda ang pakiramdam ko."

"Talaga?"

Hala??? May sakit kaya siya?

Dahil sa pag-aalala ko sa kanya, hinipo ko ang noo niya, pero hindi naman siya mainit.

"Hindi ka naman mainit eh. Gusto mo,magpatingin tayo sa clinic ngayon? O di kaya... umabsent ka na lang sa klase natin at sabihin sa teacher na hindi maganda ang pakiramdam mo."

Nag-aalala ako sa kanya, baka may kung ano na siyang karamdaman.

"H-ha? Ahhm, okey lang ako. Ang ibig kong sabihin may iniisip lang kasi ako."

Ha? Iniisip? Ang labo naman.

"Ano naman ang iniisip mo?"

Napatingin siya sa kaliwa niya at saka sumagot,

"Ahh... Si ano...si... si Choco."

Choco? Sino naman yun? Parang bata ang pangalan eh.

"Choco?"

"Yung aso ko, hehe."

Ah... aso niya pala.

Eh, bakit niya naman iniisip ang aso niya? Baka may nangyari? O di kaya...namatay na?

"Bakit? May nangyari ba sa aso mo?"

"Naiwan ko kasi sa bahay, tiyak na namimiss na ako nun."

Ang cute niya naman. Talagang mamimiss siya ng aso niya, ang bait niya kasi. Siguro... mahal na mahal niya ang aso niya.

"Ahh..."

Napatango na lang ako.

Maya-maya lang, may pumasok na teacher at nagtanong kung kami ba raw ang section A.

Sinabi niya lang na may ipinapabigay raw ang teacher namin na mga assignments at kapag nakopya na naming lahat, pwede na kaming umuwi.

Kasalukuyan pa lang akong nagsusulat ng assignments nang napatingin ako kay Chelle na tumayo at aalis na ng room.

FATE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon