CHAPTER 2: "Totoo ba 'to?"

12 3 0
                                    

Lawrence's POV

Saturday ngayon.

(AN: pasensiya na kung ang bilis ng araw, hehe ^__^)

Ang boring talaga 'pag walang pasok, wala kang ibang magawa kundi ang matulog, manood ng TV, kumain... Wala pa kasi kaming assignments masiyado, diba nga kaka-start pa lang ng klase?

Hay...makapagFB na nga lang.

Oh? Online pala ang bff ko. Phfft! Nakakabakla naman! Bff? Tss...

Ang dami ring notifications galing sa kanya.

>Mitchelle De Vera changed her profile picture.

>Mitchelle De Vera changed her cover photo.

>Mitchelle De Vera posted on her wall.

Wala talagang ibang magawa sa buhay 'tong kababata ko.

Matingnan nga ang profile niya.

Hmm... Recently taken photo ang profile pic niya at naka-wacky pa.

Pero kahit naka-wacky, ang cute niya pa rin.

Ha? What did I—tss, never mind.

As usual, ang cover photo niya ay ang sarili niya kasama ang alaga niyang puppy na si Choco.

Para talaga siyang baliw, pati aso pinapangalanan.

Nagpost din siya ng tulips na picture na may caption:

"Tulips for me is a very special flower. Kaya ko rin gusto ang bulaklak na iyan dahil white ang color niya. White symbolizes purity and sincerity...(^__^)..."

Ahh... Tulips pala ang favorite niyang flower. Ngayon ko lang nalaman 'yan. Konti lang naman kasi ang alam ko tungkol sa kanya.

ITO LANG:

Kapag natutulog siya, nakalabas ng konti ang dila niya.

(a/n: inspired by Yoona and Yuri of SNSD :) See picture in the side-->)

Paborito niyang kumain ng chocolates lalong-lalo na ang toblerone at gustong-gusto niya itong isawsaw sa gatas. Ang weird nga eh.

Kapag kumakain naman siya, lamon kung lamon talaga, hahahaha XD!

Favorite color niya ang black and pink.

Favorite singer niya si Avril Lavigne.

Favorite shape niya ang star, bakit? Hindi ko alam.

Mahilig din siyang magsulat sa diary niya, nabasa ko na nga yung ilan eh...

Pero, minsan hindi niya ako pinapayagan na bumasa.

I think yun lang yata ang alam ko sa kanya bukod sa napakaingay at napakakulit niya.

O, 'diba? Ang konti lang ng alam ko?

(AN: Haha, oo nga! Konti lang, pati nga ang diary alam.)

Oy, miss author, hindi nga kasi lahat eh...Nagpapaalam naman ako sa kanya bago ko basahin ang diary niya. I respect her kaya. Naks! May ganun pang nalalaman, haha.

Mitch's POV

Wala akong ibang magawa kundi ang magpost lang nang magpost, hehe... Wele leng... Trip ko lang!

Ang saya-saya kaya sa feeling, try niyo?

Hanggang sa napagod na ako, kaya naisipan kong magpunta sa youtube para magsound trip.

Siyempre-siyempre, ang music na pakikinggan ko ay yung sa idolo ko, si Avril Lavigne...The Punk Princess!!!

Marami nga akong alam na kanta niya eh...

Keep Holding On,

Wish You Were Here,

Girlfriend,

Hello Kitty,

What The Hell, etc.

I'm now listening to: "Complicated"...

~~~~~

Chill out, what you yellin' for?

Lay back,

~~~~~~

*pop!*

(AN: hehe, pasensiya sa sound effect ^__^)

Chineck ko ang FB ko, may 1 friend request.

Prince Yamato: Confirm? Cancel?

Ano pa ba? Edi...Confirm!

*pop!*

May nag-chat sa akin.

Ah, si Prince pala.

Prince Yamato:

Hi :), thanks for accepting my friend request. Pwede ba tayong lumabas ngayon? Pasyal-pasyal lang, parang friendly date? Ok lang ba?

Waahhh!!! Niyaya niya akong magdate (^///^)...

Ay! May friendly pala, yung date lang kasi ang napansin ko eh. Haha!

Hmm...Yes, No, or Maybe?

OK, yes na nga lang baka sabihin pa niya na ang taray at ang arte ko.

Mitchelle De Vera: Ok lang sa'kin :)

Prince Yamato: Sige, kita tayo sa gate ng school? Malapit lang naman sa inyo, diba?

Aba! Ang bilis din magreply nito eh...

Mitchelle De Vera: Oo, sige :)

'Di naman siguro halata na masaya ako, noh? Kada reply ko kasi may smiley face, pansin niyo?

Waaahhhhh!!!!!!!!!!!!! Niyaya niya ako, totoo ba 'to? Haha, LR ako masyado :D.

What will I wear ba??

Hhhmmm...

After 5 hours...

JOKE!

5 minutes lang, I'm all set and ready to go.

Teka...Kailangan ko pa pala magpaalam kay Mama.

"Oh? Baby? Ayos sa getup ah..."

Hay, si Mama talaga (>__<)... Binibaby pa ako.

"Ma, di na po ako baby kaya tigilan niyo na po 'yan. Aalis nga po pala ako, kasama ko si Prince."

Pagkasabi ko sa pangalan ni Prince bigla namang ngumiti si Mama nang nakakaloko, parang nang-aasar.

"Ooyy... hindi na nga baby ang anak ko, dalaga na siya... at may date siya ngayon, yiiee..."

Kung makaasta talaga si mama parang teen, mas kinikilig pa sa'kin eh.

"Ma, tumigil nga kayo! Friendly date lang naman eh."

"O, sige. Papayagan naman kita eh. Basta mag-ingat ka, baby. Mwah!"

Ayan na naman siya...

"Sige, ma. Alis na po ako."

Naglakad lang ako patungo sa eskwelahan namin, malapit lang naman ang bahay namin. Sayang naman ang pera kung gagamitin ko lang sa pamasahe. Hehe, pasensiya na kuripot ako ngayon.

Nung malapit na ako dumating sa gate, nakita ko si Prince na nakatayo sa di kalayuan. Ang gwapo niya (>///<)!!!

Naka-white shirt siya at naka-maong pants. Simple, pero ang lakas ng dating!

Para yata kaming couples ngayon.

Naka-white shirt din kasi ako eh pero may halong black print.

"Pasensiya na, natagalan ako."

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Waahhh... Naka-expose na naman ang dimples niya (*^__^*)...

Haha, ang landi ko talaga!

FATE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon