Prince's POV
Masaya talaga ako dahil nanumbalik na ang pagiging makulit ni Chelle, namiss ko rin ang mga ngiti niya at ang pakikipag-usap sa kanya.
Lately, 'diba... hindi niya ako pinapansin?
Inakala ko pa nga na galit siya sa'kin, pero akala lang pala talaga.
"May baon ka na ba, Prince?"
Magkasabay kaming lumabas para mag-lunch.
"Ah, pasensiya na kayo Lawrence, Chelle. May ka-lunch kasi ako ngayon. Okey lang ba na hindi ako makasabay sa inyo?"
Naghintay ako sa magiging reaksiyon nila nung biglang nagsalita si Chelle habang nakangiti.
"OK lang :)"
Ang bait talaga niya, kaya masarap siyang maging kaibigan.
Naglakad na ako patungong cafeteria...
"Prince!"
Naghintay pala talaga siya sa'kin dito.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa niya kailangang pumunta sa eskwelahan ko.
"Precy? What brought you here? Anata wa kyō no kurasu o motte inai nodesu ka? (Don't you have class today?)"
Tinawagan pa kasi niya ako para sumabay mag-lunch.
"Watashi no kurasu ga okonawa remasu. (My class is done.)"
"A..."
Kapag magkausap kaming dalawa, English o Japanese lang talaga ang language namin, hindi pa kasi siya sanay sa tagalog.
"Let's eat? I've ordered your favorite meal."
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Arigato, Precy"
"Doitashimashite."
Tahimik lang kaming kumakain nang bigla siyang magsalita ulit,
"Hhhmmm.. The food here is great! Oishidesu! (Delicious!)"
Ngumiti lang ulit ako sa kanya habang itinuon ang buong atensiyon.ko sa pagkain.
(AN: Nagtataka siguro kayo kung sino ang kasama ni Prince, noh? Malalaman niyo rin SOON. #SaTamangPanahon :)
BINABASA MO ANG
FATE (On-going)
Genç KurguPROLOGUE Naniniwala ka ba sa FATE?? Naniniwala ka ba na kahit magkalayo pa kayo ng mahal mo, kung kayo talaga ang para sa isa't isa... KAYO talaga at walang kahit na sino ang makakapagpabago?? Ang TAONG inakala kong makakasama ko panghabang-buhay ay...