Kean's POV
Ang kulit pa rin ng pinsan ko.
Matakaw pa rin pagdating sa libre.
Nakadalawang fundae na nga ito eh.
Nakakahiya sa mga tao dito.
"Ang charrrapp talaga... Oy! Himala, hindi ka na masiyadong kuripot ngayon. Umasenso ka yata?"
"Konti."
"Waahhh... Ang yaman mo na, Kean. Pautang naman oh? Hahahahahaha!"
Baliw talaga...
"Insan, may naalala pala ako. Monday bukas, 'diba? Samahan mo'ko sa eskwelahan niyo, hindi ko kabisado eh."
Nakita kong kumunot ang noo niya, tiyak na naguguluhan siya. Hindi pa niya alam na magtatransfer na ako sa school niya at titira na rin ako sa bahay nila.
"Ano naman ang gagawin mo? 'Wag mong sabihin na gusto mong i-tour kita dun."
"Hindi, lilipat na kasi ako dun."
"Weh???!!!"
Ang laki ng bunganga, pre! Pinagtitinginan tuloy kami nung mga tao.
"Hinaan mo naman ang boses mo..."
"Hehe, sorry... Pero, totoo ba talaga yung narinig ko?"
"Ay, hindi! Panaginip lang yun insan."
"Tss, namimilosopo pa eh..."
"Totoo nga kasi... Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hmm... Pag-iisipan ko muna."
Ay, nyeta! Pinagtitripan na naman ako.
"Gusto ko naman pero... Sa totoo lang, ayaw ko."
Ang labo naman nito!
"Sa ayaw at sa gusto mo, magta-transfer ako."
Mitch's POV
Hmm... okey lang naman talaga na makasama ko siya palagi para may maasar na rin ako sa tuwing depress ako o di kaya nababagot. Haha! >:)
"Sige na nga, sasamahan kita. Tiyak na mawawala ka 'pag mag-isa kang pumunta dun."
Ang laki pa naman ng eskwelahan.
"Hay... Salamat naman."
Isinubo ko na ang pinakahuling subo ng fundae. Ang sarap talaga, kulang pa nga yung dalawa eh. Kung puwede lang sanang pakyawin ang lahat ng nasa loob nung ice cream maker, gagawin ko. Ang kaso... Nakalimutan ko na nagpalibre lang pala ako kay Kean, hehe... (^___^)
"Uwi na tayo, Kean."
"Sus, porket inubos mo na yung pera ko, yayayain mo na akong umuwi. Ayos ka rin eh noh?"
"Ayos talaga!"
Lumabas na ako sa Seven-Eleven habang nakasunod naman si Kean sa'kin.
"Uuwi na ba talaga tayo?" Tanong niya.
"Paulit-ulit?"
"Punta muna tayo sa'min, kukunin ko na lang yung mga gamit ko."
Seryoso ba siya?
"Ang layo kaya nun, kailangan pa nating mag-bus noh!"
"Ano naman ngayon?"
"Sige, sasama ako tutal nilibre mo naman ako, miss ko na rin si Ante Chen. Basta ikaw ang magbabayad ng pamasahe ko ha?"
"Natural!"
"Yey, much money ka talaga! Wohoo! Ang suwerte ko."
Pupunta talaga kami sa Batangas. Aabutin kami ng mahigit dalawang oras sa pagpunta dun, pero okey lang :) ... Bakasyon na rin kumbaga, hindi naman siguro kami magtatagal dun.
BINABASA MO ANG
FATE (On-going)
Genç KurguPROLOGUE Naniniwala ka ba sa FATE?? Naniniwala ka ba na kahit magkalayo pa kayo ng mahal mo, kung kayo talaga ang para sa isa't isa... KAYO talaga at walang kahit na sino ang makakapagpabago?? Ang TAONG inakala kong makakasama ko panghabang-buhay ay...