Chapter 12: "Moment"

2 1 0
                                    

Mitch's POV

"Nasaan ba kasi ang CR dito? Ihing-ihi na ako eh...kanina pa," pagrereklamo ni Kean.

Ang kulit-kulit naman kasi ng lalaking ito eh. Sabi ko na pigilan niya muna dahil hindi pa naaayos ang mga papeles niya para sa paglipat niya dito sa school. Hindi naman kasi namin pwede iwanan dito eh dahil baka tawagin na ang priority number namin tapos wala kami. Sayang naman kung kukuha pa kami ulit ng priority number noh. Hindi rin naman puwede na mag-isa siyang pumunta sa CR dahil sigurado akong mawawala lang siya. Wala pa namang sense of direction ang bruhong 'to.

*Ding-Ding-Ding, Number 45*

Tiningnan ko ang hawak kong numero at nakita ko ang number 45, kaya hinila ko na si Kean patungo sa counter at ibinigay sa in charge ang mga papeles. May mga pinirmahan ding mga papel si Kean at ilang minuto lang ay approved na ang kanyang pagtransfer.

"Hay...Salamat!"

Pagkatapos, nagmadali na kaming pumunta sa men's restroom at pumasok si Kean habang naiwan naman ako sa labas. Alangan namang sumama ako sa loob noh!

Habang naghihintay, sumandal muna ako sa may pader. Ilang segundo lang ang nakalipas...

"Oh? Anong ginagawa mo rito, MC?"

Nakita ako ni LR na nakasandal sa pader habang kinakalikot ang aking bag. Chinicheck ko lang kung wala ba akong naiwan na gamit.

"Ah, sinamahan ko muna ang pinsan ko na ayusin ang kanyang pagtransfer dito sa school natin."

"Eh bakit ka nandito sa labas ng men's restroom?" Sabi ni LR na halatang nagtataka.

"Insan, tara na."

Bigla namang sumulpot si Kean mula sa likod ni LR, kaya pareho kaming napalingon sa kanya.

"Siya pala yung pinsan mo. Ako nga pala si Lawrence, kaklase at matalik na kaibigan ni MC."

"MC?"

"Ako yun, pinsan. Yun na kasi ang nakasanayan niyang itawag sa akin at LR naman ang tawag ko sa kanya," sabi ko habang nakangiti. Ngumiti rin si Kean at nakipag-shake hands kay LR.

"Nice to meet you nga pala. Ako si Kean."

"O, sige, tama na 'yan. Pumasok na tayo sa klase natin."

Sabay kaming naglakad patungo sa aming classroom. Kaklase kasi namin 'tong si Kean. Mabuti na rin yun.

"Siya nga pala, MC... Sayang namiss mo ang first subject natin, nag-quiz pa naman kami."

"OK lang siguro yun, LR. Babawi na lang ako sa susunod. Kailangan ko lang kasi talagang samahan 'tong pinsan ko. Alam mo naman..." Biglang napatingin si Kean sa akin at sinabing,

"Hoy... Alam kong iniisip mo, Mitch. Kaya ko naman talagang mag-isa eh, pero dapat mo lang naman talaga akong samahan eh dahil foreigner ako dito."

Hmp, nagpapalusot lang 'yang si Kean!

"Palusot pa more! Ang sabihin mo, nahihiya ka na malaman nitong si LR na wala ka talagang sense of direction. Sa tanda mong 'yan!"

Nakikita ko na parang malapit nang matawa si LR pero sinusubukan niyang pigilan dahil siguro ayaw niyang mapahiya ang pinsan ko.

"Sige na nga, panalo ka na! Eh ano naman ngayon?"

Halata sa mukha ni Kean na naiinis siya, pero pinipigilan niyang huwag pumutok sa harap ni LR.

"Wag mo na nga lang akong kausapin, tingnan natin kung hindi mapanis 'yang laway mo! Wala ka pa namang kakilala rito. Tara na nga, LR. Bahala na nga 'yang lalaking 'yan. Kaya niya na raw ang sarili niya eh."

FATE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon