Mitch's POV
Naloloka na talaga ako!!!
Nababaliw na ako sa kakaisip sa video na yun.
Para kasing engot si LR eh.
Matapos niyang maibigay sa'kin ang URL ng video na yun, umabsent pa ang mokong.
Kaloka talaga!
Ano kaya ang nangyari sa bruhong yun?
Nakakainis!
Nandito nga pala ako sa room ngayon.
Ang aga ko kasing pumasok eh, ewan ko ba!
Lumabas muna ako at dumungaw sa may lobby, nasa third floor ang room namin eh.
Pagkadungaw na pagkadungaw ko, ensakto namang nahagip ng mga mata ko si Prince, nakaupo sa may bench at nakikinig sa earphone niya habang nagbabasa ng libro, may quiz kami mamaya eh.
Napangiti ako sa sarili ko.
Hayy... baliw na yata ako. (>__<)
Kahit anong pilit kong iwasan ang tumitig sa kanya, napapatitig pa rin ako na para bang matagal na siyang hinahanap ng mga mata ko (*^__^*)...
Isinandal ko ang baba ko sa braso ko habang nakatuon lang ang mga mata ko sa kanya.
Kahit ang layo niya mula dito, kitang-kita ko pa rin ang kagwapuhan niya.
Prince Yamato...
Prince Yamato...
Hindi ko man aminin sa sarili ko, nahuhulog na yata ang loob ko sa'yo.
Bucket full of tears... Babe you know I'm here, I'm here waiting... Close your precious eyes and just realize I'm still fighting...
Saktong-sakto yung kanta oh (^__^)...
Hindi ko tuloy maiwasan ang pagmumuni dito.
Ilang minuto na akong nakatulala sa mukha ni Prince nang bigla siyang tumingin sa kinalalagyan ko.
(O___O)!!!!!
PATAY!
Napansin niya siguro na may nakatitig sa kanya.
Dahil sa pagkabigla, napaatras ako.
*BoGsh!!*
"Aray!"
Pareho kaming napaupo sa sahig nung babae.
Nabunggo ko pala siya.
"Ano ba??!! You are so reckless. Sa susunod bago ka umatras, make sure na wala kang tao na mabubunggo!"
(O__o)???
Ang taray teh!
"S-sorry, miss."
"Sorry? Wag ka kasing tatanga-tanga!"
Hala?
Nag-walkout pa siya.
Ang taray!
Alam ko naman na kasalanan ko, kaya nga ako nagsorry, 'diba?
Hmp! Kalerki!
Pumasok na ako sa room at naisipan kong magbasa muna imbes na tumunganga.
Malapit na rin kasing mag-umpisa ang klase namin.
Nagbabasa lang ako nang...
Wake up till the air that I'm breathin'...
May tumatawag yata.
BINABASA MO ANG
FATE (On-going)
Teen FictionPROLOGUE Naniniwala ka ba sa FATE?? Naniniwala ka ba na kahit magkalayo pa kayo ng mahal mo, kung kayo talaga ang para sa isa't isa... KAYO talaga at walang kahit na sino ang makakapagpabago?? Ang TAONG inakala kong makakasama ko panghabang-buhay ay...