(A/N: Paalala lang po, hindi po ito the search of the next top model or kung ano man... Ang chapter po na'to ay exclusive lang kay Kean at ang paghahanap niya ng kanyang Miss A. Kung hindi kayo interesado, i-skip niyo na lang and proceed to the next chappie. Enjoy!)
Aleah's POV
(A/N: Remember her? If not, go back to Chap 14 "Si Kean na Heartthrob" :)
"Aleah, saan ba nagpunta ang anak ko kagabi? Sabi ng driver niya, hindi siya nagpasundo. May alam ka ba?"
Napalunok ako. Kaba. Takot. 'Yan lang naman ang nararamdaman ko ngayon dahil kapag sinabi ko ang totoo, tiyak na magagalit si Miss Mars sa'kin at ang mga magulang niya sa kanya. Pero... 'pag nagsinungaling naman ako, maaaring ako naman ang pagagalitan ni ma'am at sir. At ang mas malala pa dun, baka palayasin nila ako sa bahay nila. Paano na ang pag-aaral ko? Alam niyo kasi... ulila na ako. 10 months pa lang ako, magkasunod na namatay ang mga magulang ko. Una yung tatay ko, nagkasakit sa atay. Tapos yung nanay ko naman nagkasakit ng cancer pero bago pa siya malagutan ng hininga, nagawa niya muna akong dalhin sa ampunan. Yung mga madre na mismo ang nag-alaga sa akin. Hanggang sa nagkamuwang ako, dun nila kinuwento ang nangyari sa mga magulang ko. Ang saklap nga eh. Nung 10 years old na ako, may gustong umampon sa'kin at sila ang mga magulang ni Miss Mars Rivera, sikat na modelo ng isang may pangalan rin na magazine. Kaya lang... ang sama niya sa'kin. Palagi niya akong inaapi, kinakawawa, at higit sa lahat pinapagawa niya sa'kin ang mga assignments at projects niya... basta't 'wag ko lang daw ipagsabi sa iba lalong-lalo na sa mga magulang niya. Nagtitimpi nga lang ako eh. Kahit mahirap, tinitiis ko na lang. Ito na kasi ang buhay ko eh. Pero... Maswerte pa rin ako dahil napakabait ng mga nag-ampon sa'kin, sina Mr. at Mrs. Rivera. Nagtataka nga ako kung saan nagmana ang anak nila eh.
"Sir..."
"Diba ang sabi ko sa'yo... dad o di kaya'y papa ang itawag mo sa'kin? Aleah, anak, hindi ka na iba sa pamilya na'to. Halos mag-aanim na taon ka na naming kasama dito at hindi ka naman namin inaapi dito, hindi ba? Kaya, what's wrong?"
Wala naman po akong problema sa inyo. Sa anak niyo po, meron. Napakalaki.
"Wala naman po, p-papa..."
"Mabuti naman. By the way, tungkol sa kapatid mong si Mars... pwede bang sabihin mo sa'kin ang totoo? Everything."
"Ahm... Si Mars po... Kagabi... Nagsabi po siya sa'kin na gagala lang siya kasama ang mga kaibigan niya. Pero hindi niya po sinabi kung saan."
"Anong oras ba siyang umuwi kagabi?"
Wala kasi kahapon ang mga magulang ni Miss Mars dahil as usual, inasikaso nila ang business nila.
"Hindi ko po alam. Pagkauwi ko po kasi galing eskwela, napagod po ako kaya natulog po ako ng maaga."
"Ganun ba? Sige. Pakitanong na lang si yaya Bening, baka alam niya."
"Opo."
Bago pa ako makalabas ng office niya, narinig ko muna siyang bumulong, "I'm so tired of disciplining that brat!" Saka siya nagbuntong-hininga.
Pagbaba ko ng hagdan, nagkasalubong kami ni Miss Mars. Nakapamewang siya.
"What were you doing in my dad's office, bitch?"
"Mars, pinatawag niya ako. May ibinilin lang siya."
"And what is it?"
"Gusto mo talagang malaman? 'Pag sinabi ko kasi baka dapat mo kong tulungan sa paglinis ng inidoro ng CR mo na gamit lang ang kamay. Gusto mo? Ang saya nun, hehe..."
Haha, sinadya ko lang naman 'yan dahil alam kong mabilis 'yang mandiri.
"Yuuuccckkk!!! Will you stop using that word? It's cubicle! Kadiri ka... Diyan ka na nga!"
BINABASA MO ANG
FATE (On-going)
Genç KurguPROLOGUE Naniniwala ka ba sa FATE?? Naniniwala ka ba na kahit magkalayo pa kayo ng mahal mo, kung kayo talaga ang para sa isa't isa... KAYO talaga at walang kahit na sino ang makakapagpabago?? Ang TAONG inakala kong makakasama ko panghabang-buhay ay...