Mitch's POV
"Ang laki mo na pala pamangkin. Hindi nga kita nakilala eh, akala ko girlfriend ka nitong si Kean."
Hahaha, si ante talaga.
Napagkamalan pa talaga akong girlfriend ng pangit kong insan.
"Hahahahaha... Kayo talaga ante! Kung ako rin po ang papipiliin, hindi ako papatol kay Kean noh."
"Hahahahahahahahahahahahahahaha!!!"
Nagtawanan lang kami ni ante nang malakas na malakas habang si Kean naman ay naiinis sa amin.
"Pinagtutulungan niyo talaga ako!"
Napatingin ako kay Kean na halatang asar na asar sa biro namin ng nanay niya.
"Biro lang naman yun insan, ang gwapo at ganda kaya ng lahi natin."
"Sus! 'Pag ako nagka-girlfriend ng maganda, yung parang model..."
Nag-gesture pa siya ng pacurve-curve. Ini-imagine talaga ang katawan eh...
"Hindi niyo na ako maaasar."
"Ikaw talaga, nak. Wala ka pa ngang nililigawan, nagi-imagine ka na."
Umupo ako sa may sala habang si Kean naman ay pumunta sa may kusina.
"Anong gustong mong kainin, pamangkin?"
Napatingin ako kay ante at sinabing,
"Wag na po. Busog pa po ako eh."
"Sus, ma! Wag kang maniwala diyan. Nagkukunwari lang 'yan, ang takaw kaya niyan."
Nakahabol pa talaga ang mokong? Nasa kusina siya, 'diba?
"Oh, eto. Alam kong kanina ka pa gutom."
Woah!! (*__*) Brownies! May cherries pa!
"Kumain muna kayo diyan, may gagawin pa ako sa itaas."
Matapos makaakyat ni ante, tumingin ako kay Kean.
"At pa'no mo naman nalaman na gutom ako? Hula mo lang noh?"
Umupo siya sa tabi ko at sumubo ng brownies, kaya kumuha na rin ako. Naglalaway na ako eh! Haha, sorry sa word.
"Pagkababa natin sa bus kanina, rinig na rinig ko ang kulo ng tiyan mo."
Hala? May pagka-abnormal pala 'tong pinsan ko. Pambihira, ang lakas ng pandinig.
"Anong oras na ba?"
"Alas-dos palang ng hapon."
Weh? Ang aga pa pala.
"Gusto mong mamasyal muna bago tayo bumalik sa inyo?"
"Aba, oo naman! Miss ko rin ang lakwatsa dito eh..."
Inubos ko muna ang hawak-hawak kong brownies habang si Kean ay umiinom ng juice nang...
"KUUYYYAAAAAAAA!!!!!!"
Parehas kaming nagulat ni Kean sa sigaw ng bata na napakahyper sa tono pa lang ng boses.
Teka... mukhang kilala ko na kung sino ang batang 'to.
"Kuya, nakabalik ka na. Yey!!"
Napangiti ako nang malapad na malapad. Ang kyut niya talaga!
Last time na pumunta ako dito, sanggol pa 'yan.
"Oh? Baby Ian... pawis na pawis ka? Naglaro ka na naman noh?"
Tumango-tango lang yung bata bilang sagot sa tanong ng kuya niya at inubos ang juice na para sana sa'kin.
"Naku, para kay ate mo sana yun..."
BINABASA MO ANG
FATE (On-going)
Teen FictionPROLOGUE Naniniwala ka ba sa FATE?? Naniniwala ka ba na kahit magkalayo pa kayo ng mahal mo, kung kayo talaga ang para sa isa't isa... KAYO talaga at walang kahit na sino ang makakapagpabago?? Ang TAONG inakala kong makakasama ko panghabang-buhay ay...