Chapter 10. "Last Sign (Part 1)"

10 2 0
                                    

(fast forwarded>>>)

Mitch's POV

"Ano 'yan ha?"

Ang tsismoso talaga ng pinsan kong 'to! Daig pa ang babae.

Nandito kasi siya sa bahay ngayon dahil sinabihan siya ni mama na mag-stay muna ng ilang araw dahil nag-OT na naman si mama.

"Ang pakialamero mo noh? Dun ka na nga!"

Tinakpan ko ang diary ko at hinintay siya na umalis.

Naglakad na siya patungo sa sala, kaya ipinagpatuloy ko na ang pag-check ng mga signs.

It's been 2 months simula nung nag-umpisa akong mag-check ng 30 signs of falling in love at unti-unti na akong nalilinawan.

Naniniwala na talaga ako na in love na ako.

In love ako kay Prince (^___^)...

Yiiieee ...

Check na yung 1st to 9th sign at yung iba naman, dino-double check ko pa lang.

#10. When he talks to you, you forget everything else around you.

Check!

#11. You write his name all over the place.

Check! May flames pa nga ako sa likod ng mga notebooks ko at nakita yun ni LR.

Alam na rin niya ang tungkol sa nararamdaman ko kay Prince, no choice na kasi ako.

Magbestfriend naman kami eh, hindi niya siguro sasabihin sa iba ang tungkol dun dahil nag-promise siya.

Kakalbuhin ko talaga yun 'pag nalaman ni Prince, nakakahiya kaya. Baka... sabihin niya na ang landi ko.

#12. It breaks your heart when you see him with other girls.

Big Check!

Nagtataka nga ako sa sarili ko eh. Wala naman kasi akong karapatan para magselos pero hindi ko mapigilan.

Nung nakita ko siya sa may library kasama si Annie, classmate namin, parang gusto kong ipagsigawan na mahal ko siya at akin lang siya kahit na alam ko kung bakit sila magkasama. Partner kasi sila nun sa Math project.

#13. You wish you could be with him in every second of your life.

Check na check!

#14. When he smiles at you, you melt inside.

Check! (^///^)

#15. When you find out he likes a song that is totally not your type, you'll listen to it until you love it.

Check!

Ang mga tipo kasing music ni Prince ay yung kay Christinna Perri lalong-lalo na yung "A Thousand Years".

Hindi naman talaga ganun ang mga gusto kong kanta pero nung sinabi sa'kin ni LR na yun ang paboritong kanta ni Prince, pinakinggan ko ang kantang yun at unti-unti ko na ring nagugustuhan.

Ang ganda nga nung Boy Version eh :)...

Nacurious pa tuloy ako sa boses ni Prince 'pag kumakanta.

Kahit kumanta pa siya na wala sa tono, mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.

Haha! Ako na ang dakilang baliw na loyal at stick-to-one.

#16. When you don't get to see him even for a day, you feel down.

CHECK!

Halos mabaliw pa nga ako nung umabsent siya dahil sa lagnat.

Sana nandun ako para alagaan siya, nakakahiya naman kasing magtanong sa kanya kung may sakit ba siya, baka mahalata pa niya na may nararamdaman ako para sa kanya.

FATE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon