Prince's POV
Napaaga ako sa pagpasok sa eskwelahan. 5:30 pa lang ng umaga, nandito na ako sa room namin. At dahil nga ako pa lang ang nandito, naglaro na muna ako ng Criminal Case. (AN: Sino ang naglalaro niyan? Comment naman kayo, please... Isa 'yan sa mga paborito kong laruin :)
Matiyaga akong naghanap ng mga gamit na pwedeng ebidensiya na makakapagpatunay na kriminal ang unang suspek at nung nakumpleto ko na, napunta na naman ako sa ikalawang suspek.
Ilang minuto ang nakalipas, nakaramdam na ako ng pagod at naubusan na rin kasi ako ng life sa nilalaro ko, kaya nakinig na lang ako ng kanta ng 5SOS habang inililibot ko ang mga mata ko sa paligid ng classroom. Ang tahimik pala rito kapag ganito kaaga sa umaga noh?
Sa paglibot-libot ko ng aking paningin, may napansin akong bagay sa ilalim ng mesa ni Chelle. Parang... notebook?
Nung kinuha ko iyon, dun ko nalaman na isa pala yung diary. Kanino kaya ito? Posible kaya na kay Chelle ito? Ah, oo, naalala ko na... Ito yung nakita ko kahapon kung saan siya may iginuhit na mga doodle at parang may nakalagay na pangalan ko sa pinakagitna nun. Guni-guni ko lang siguro yun.
Binuksan ko na ang maliit na diary at hindi ko na naiwasan ang basahin iyon. Alam ko naman na this is an invading of privacy. Pero, malakas kasi ang pakiramdam ko na may dapat akong malaman eh... at dito ko mahahanap ang sagot. Hay... patawarin sana ako ni Chelle. Sana(in Japanese)...
Sa unang pahina, may nakalagay na:
This is a private property and no one should own or read this without the consent of none other than the owner:
MITCHELLE DE VERA
Try to invade my privacy, OR ELSE... YOUR CONSCIENCE WILL KILL YOU!
Yun ay kung may konsensya ka... Pero kung wala, wag mo na lang ipagsabi ang mga nalaman mo, okey?
Natawa naman ako dun. Kahit sa pagsusulat, may sense of humor pa rin siya.
Nagbukas ako ng mga ilang pahina at ang daming nakasulat doon. Sa gitna, may nakasulat na malaking:
"30 SIGNS OF FALLING IN LOVE".
Kasunod nun ay mga signs:
#1. You find yourself looking at him all the time.
Check!
#2. All you think about is him.
Check!
#3. He's the person you think of before you go to sleep and when you wake up in the morning.
Check!
#4. You get shy when he's around you and you can't help smiling.
Nahihiya naman talaga ako 'pag nandiyan siya sa tabi ko at napapangiti rin ako kahit wala siya sa paligid.
Alam niyo yun?
Parang baliw?
Ibig sabihin nito, check ang 4th sign.
#5. You do silly things just to get his attention.
Hmm...
Hindi naman ako masiyadong nagpapapansin sa kanya, kuntento na kasi ako na makita siya kahit hindi niya ako mapansin.
#6. When you look into a room, he's the first person you look for.
Check!
#7. You're even shy to talk to him sometimes.
BINABASA MO ANG
FATE (On-going)
Ficção AdolescentePROLOGUE Naniniwala ka ba sa FATE?? Naniniwala ka ba na kahit magkalayo pa kayo ng mahal mo, kung kayo talaga ang para sa isa't isa... KAYO talaga at walang kahit na sino ang makakapagpabago?? Ang TAONG inakala kong makakasama ko panghabang-buhay ay...