Asha's POV
Nagkagulo kaming lahat ng mawalan ng malay si Gleciere kasi ang gaga, natamaan ng bola. Eh kasi kung saan saan nakatingin. Sakto pang papasok sina Linden kaya nagpakitang gilas si Charina, ang bumato ng bola, dahil obviously, patay na patay rin siya sa grupo nito.
"Ayyyy! Gurl!"
Tumitili pa si Ynigo habang dali daling tumatakbo papunta sa kinaroroonan ni Gleciere kasunod sina Sir Quintin at Tia. Nanakbo rin ako papunta doon. Mababakas sa mga mukha namin ang labis na pag-alala.
"Ms. Buenaventura! Ms. Buenaventura? Shit. We need to bring her to the clinic." Sabi ni Sir Quintin at akmang bubuhatin ngunit bago pa nito mahawakan ang kaibigan ko ay tinulak ito ni Linden na labis ang pag aalala at binuhat.
"I'll bring her to the clinic." nagmamadaling sabi ni Linden saka tumakbo palabas na parang wala lang siyang buhat.
Nakasunod naman dito ang tatlong barkada nito habang yung iba ay nagpa iwan. Dinismiss naman muna kami ni Sir Quintin saka sya sumunod rin dahil nga cargo nya kami.
"Oh my gosh. Sorry talaga." nininerbyos na saad ni Charina.
"Kumalma ka. Di mo naman sinasadya eh." Tia.
"Tara puntahan nalang natin siya." Aya ko sa kanila.
.
Sumunod naman sila saka kinuha na ang mga gamit namin saka lumabas na ng gym.CLINIC
Linden's POV
Halos di naman mapakali sina Linden habang chinecheck up ng school doctor nila si Gleciere na hanggang ngayon ay wala paring malay. Kinakabahan siya talaga. Baka naalog ang utak nito o kung ano. Pati si Sir Quintin ay mahahalataan mo rin ng kaba.
Nahalata siguro ito ni Doctor Karen Padilla, ang kanilang school doctor, kaya ito nagsalita.
"Kumalma nga kayo jan. Hindi naman malala ang nangyari sa kanya."
Parang nabunutan naman ng tinik ang dibdib niya sa narinig. Pati si Sir Quintin eh nakahinga ng maluwag.
"She's okay na ba, Doc?" tanong ni Sir Quintin.
Nakangiti namang tumango ang doctor saka inayos ang pagkakahiga ni Gleciere.
"Nabigla lang yata siya kaya nahimatay. Maybe she's stressed these past few days kaya ganyan but don't worry wala namang napinsala sa kanya. Magigising na siya maya maya. If you'll excuse me gentlemen."
Sabi ng doctor saka umalis. Tumango naman sila.
Napatingin siya kay Gleciere. Tulog na tulog ito. Hayys. Sobra sobrang kaba ang nadama niya kanina ng makita itong tamaan ito ng bola saka hinimatay. God. Akala niya'y nabagok na ito kanina. Siguro nga'y OA na siya pero anong magagawa niya eh nag aalala siya ng sobra.
Marahang hinaplos haplos niya ang buhok nito habang tinititigan.
She's beautiful
Anang isip niya. Maganda naman talaga ito. Matalino. Ewan niya ba kung bakit niya ito inaasar asar. Gusto niya eh. Natutuwa kasi siya kapag nakikita itong naaasar. Yun bang pinapansin siya nito. Napangiti nalang siya.
Ngunit agad ding napawi iyon nang makarinig siya ng pagtikhim.
"Eherm!"
Napaangat siya ng tingin at nakita niya ang titser nilang tarantado na nakangisi sa kanya.
Nanunuksong nakakatitig ito sa kanila habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
Pinamulahan siya ng mukha. Damn!
"Now what?!" Naiiritang asik niya rito. Tumawa lang ng mahina si gago.
Naiiling pa itong nagsalita habang nakangisi parin ng nakakaloko.
"I'm standing here infront of you for whole 2 minutes and you didn't even notice me? Hahaha. Ang pag ibig nga naman!"
Nanggigigil niya itong binato ng napulot na tissue pero ang humalakhak lang ang loko saka dalidali lumabas.
Habang siya, naiwang namumula ang mukha at nagmumura.
"That bastard!"
-
BINABASA MO ANG
Warning: Love Virus Detected (ON GOING)
Teen Fiction"I really really hate him, you know! Yun bang makita mo lang kahit yung anino nya, sira na ang araw mo. Until one day, nagising akong siya lagi ang hinahanap ko. Kada pinagtitripan niya ako, instead na mainis ako eh parang kinikilig pa ako! What is...