Chapter 9

126 3 0
                                    

Gleshiere's POV



"Class dismiss. Goodbye class."





"Goodbye ma'am!"





Dali dali kong inayos ang gamit ko at nilagay sa bag saka tumayo at nag inat.





"Uggghhhayy!"





Sa wakas! Uwian na. Last subject na namin yun ngayong hapon. Home Economics.




"Naku! Kelangan ko nang bumili ng bagong notebook para sa home economics. 3 pages nalang ang natitira eh."





Napalingon ako sa mga kaibigan ko. Sa kaliwa ko lang naman sila nakaupo. Sa last row namin piniling umupo dahil sa tamad kaming makinig sa klase ng Professor namin dito sa H.E. Minsan lang naman. Ako yung sa pinakagilid. Sa tabi ng bintana. Gusto ko kasi, fresh air. XD




"Grabe ka teh! 2nd grading palang tayo ngayon ah? Paubos na yang notebook mo! Gaano ba kalaki yang sulat kamay mo?" nakakunot noong tanong dito ni Ynigo.




Tumaas naman ang isang kilay ni Asha saka nakapamewang na sinagot si Ynigo, "Pake mo ba? Eh sa nagtetake down ako ng notes eh! Hmp!"




"Suuss ang sabihin mo, malaki talaga ang sulat kamay mo dear!" tumatawang panunuya rito ni Ynigo na nagpainis kay Asha. Totoo naman kasi. Malaki talaga ang sulat kamay ng kaibigan nilang ito. Pero di naman pangit. Kapag ito ang topic, napipikon si Ash. Totoo kasi. XD





Nagroll eyes na lamang si Asha saka sinabing.. "Whatever! Basta bibili ako mamaya."





"Dapat lang. 2nd grading palang tayo ngayon noh. Aba'y may dalawa pa tayong gradings tapos tatlong pahina nalang ang natitira?" sabi ko sa kanya.





Warning: Love Virus Detected (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon