02 : friend or foe?
I stopped by a café on my way to campus. Naabutan kong nagpupunas ng mesa si Karla, ang crew ng opening shift ng Kofia. Suot niya ang kulay tsokolateng apron at cap na uniform.
Nag-angat kaagad siya ng tingin sa akin saka ako nginitian. "Ang aga mo naman, Emi. Mamaya pa ang shift mo 'di ba?" pabiro na bungad niya.
Tumawa ako. "Hindi, baliw. O-order ako," sagot ko saka hinila ang isang bakanteng upuan at kumportableng umupo.
Humalakhak siya. "Iyong usual ba?"
"Oo, tatlo no'n at dalawang Americano, please."
Hinagilap ko ang kulay kape at bilog na orasan na nakadikit sa puti nilang dingding. The shorter and longer hand struck at seven sharp. Seven-thirty naman nagsisimula ang klase namin. Fifteen minutes lang din naman ang layo ng café sa Bellshore University. I could still make it in time.
Tumigil sa ginagawa si Karla at nakataas ang kilay na tinignan ako nang may pagdududa. "Ba't ang dami? Ikaw lang ba iinom no'n?"
I snorted. "Nako, baka sumabog 'yong puso ko sa pagpa-palpitate kung ako lang ang iinom lahat no'n," naiiling kong sabi na ikinangisi niya. "Dagdagan mo na rin pala ng apat na slice ng Rainbow Crepe Cake. Sabi kasi nila Sharm na dalhan ko rin sila."
"Sharm? Ayon ba 'yong mga kaklase mo?" Iniligpit ni Karla ang mga gamit sa paglilinis saka pumasok doon sa counter at naghugas ng mga kamay.
Tumango ako. "Oo, mga kaibigan ko."
Hinarap niya ulit ako bago pinaandar ang mga makina. "Binigyan ka ba nila ng perang pambili?" Tumigil ako't napaisip bago nag-aalangang umiling. "Kahit piso? Seryoso? Mga kaibigan mo ba talaga sila?" maasim ang mukhang tanong niya.
I faintly smiled at her reaction. "Of course. Gano'n ang magkakaibigan, Kar. Petty things like these don't matter if they're for them."
Umikot ang kaniyang mga mata paitaas. "Hallur? Ilang beses na kaya nilang ginawa 'to. Ang tawag dito, abuso!" she grimaced, her hands busy preparing my order in a skilled motion. "E, ikaw, kailan ka ba nila inilibre? Saka ilang beses?"
The smile faded from my lips. My mind was intoxicated with the rich coffee aroma that filled the entire café. I stopped to think. Kailan nga ba? But no matter how much I racked my brain, I couldn't seem to remember.
"Oh, 'di ba? Wala kang maalala kasi hindi talaga nangyari sa loob ng anim na taon na pagsasama niyo," ismid niya. "Isipin mo, apat silang kaibigan mo pero ni isa sa kanila hindi nagawang bigyan ka ng kahit candy man lang. Anim na taon, Emi! Kung ako sa 'yo, I'll cut ties with those plastic bitches!"
I almost choked at her use of words. Plastic? Parang wala rin naman akong ipinagkaiba.
I promptly dismissed the thought. "Shh, Karla. You're still talking about my friends and I don't want you to talk bad about them." Isang irap lamang ang isinagot niya bago nagpatuloy sa ginagawa. "And we're going seven years now." Hindi naman na siya nag-react o sumagot pa.
My eyes wandered around as I waited for my order to finish. Maliit lamang ang Kofia kahit na isa itong two-storey café. May apat na set ng mesa, mahabang counter na may katamtamang espasyo para sa barista, at dalawang mga pinto para sa maliit na locker room at washroom.
Sa paglilibot ay nahagip ng pansin ng aking mga mata ang isang customer na nakapwesto sa may sulok malapit sa pintuan. Naka-earbuds din ito kaharap ang kaniyang laptop.
Hindi ko siya napansin kanina. Usually ay puno lamang ito ng mga customer bandang lunch hanggang gabi. Dalawang coffee and pastry shops lang kasi ang mayro'n sa area na 'to.
BINABASA MO ANG
Sinfully Angelic
Teen FictionBehind the sweet smile of an Emerald 'Emi' Alconera lies a dark secret she ought to carry through her grave. When she thought she has perfected the innocent girl she has been building, a new transfer city guy named Adrien Farrell witnesses the dread...