Chapter 25

26 5 0
                                    

25 : sad story


A week had passed since we returned. I gradually became accustomed to Rien's company. He was very light to be with. Siya 'yong tipong ka-pair o ka-roommate na talagang magugustuhan mo. In that short time of being together, we easily adjusted with each other's presence.

We would do almost everything together. Even though I said that I'd just be casual and aloof with him, but damn, I couldn't. Sabay kaming mag-aaral, sabay pupunta sa school, sabay uuwi, sabay kakain, at kung manonood man siya ng movies ay syempre nakikinood din ako. Isa sa mga hilig ko 'yon, e.

I couldn't detach myself with him anymore. Hanggang sa nasanay na lang ako. And now, I think it was safe to say that we'd become almost as close as best friends.

"Emi, Emi, gising!" Nang maramdaman ang pagyugyog niya sa balikat ko ay naalimpungatang bumalikwas ako nang bangon.

"Ha? Bakit, may sunog ba? May lindol? Anong nangyayari?"

Umuga ang kama nang pabagsak na humiga si Rien sa may bandang paanan ko at gumulong sa pagtawa.

Kunot-noong pinakiramdaman ko ang paligid. Alas singko y media pa lamang ng madaling araw nang mahagilap ko ang relo. Tahimik at normal naman ang bahay. Maliban nga lang sa kasama ko na mukhang hindi normal.

Pabirong binato ko sa kaniya ang unan na mabilis niya ring nasalo. "Grabe ka, dati ang rahan-rahan lang ng yugyog mo, ngayon parang pati utak ko naalog!"

Bumangon siya't nagpatuloy sa pagtawa. "I'm sorry. Did it make you crazy?"

"It made me dizzy!" pagwasto ko.

"Tulog mantika ka kasi. Dati, kahit dadaan lang ako sa kwarto mo, nagigising ka na."

I didn't attempt another rebuttal. He made sense. I was always cautious of Natania's presence before. Sleeping in my bedroom had always given me anxiety. It made me insomniac for years. But ever since I started living with Rien, I could sleep peacefully and comfortably without having to worry about a thing.

Bugnot akong bumalik sa pagkahiga at nagtalukbong ng kumot. "Inaantok pa ako. Alas sais pa naman ako magluluto diba? May thirty minutes pa."

Umuga muli ang kama nang tumayo siya. Akala ko ay lulubayan na niya ako. Rinig ang tunog ng pagbukas niya ng mga kurtina at bintana. Agad na ipinasok ko sa loob ng kumot ang kumportableng nakaladlad na paa nang maramdaman ang pagpasok ng malamig na simoy ng hangin.

Ang mga yabag ni Rien ay muling lumapit sa gawi ko. "It's time for our morning jog, Emi. C'mon."

"Can't I skip today? Weekend naman, e." Kahit tunog kinakain 'yong mga salita ko dahil nakasubsob ang mukha ko sa unan ay na-gets pa rin iyon ni Rien.

"You've already skipped the whole week!" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakalagay na ang magkabilang kamay sa kaniyang baywang.

Tuluyang inalis ko ang kumot. Bumangon ako at kalahating nakapikit pa na tinignan siya. "I was tired from studying and work."

"C'mon now. We'll have a picnic. Doon tayo magbre-breakfast. I already prepared everything."

Sa huli ay napilit ako ni Rien. Mabigat lang sa katawan noong una pero nang nakapaghilamos ako at nakainom ng tubig ay tuluyang nagising ang aking sistema.

Rien called it a morning jog but we didn't do any jogging. We walked through the meadow. The sun just began to peek from the horizon behind the cumulus clouds. Naglatag siya ng puting kumot sa ilalim ng punong mangga.

Sinfully AngelicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon