Chapter 12

28 5 5
                                    

12 : deal with the devil


Dumiretso ako kina Aling Nena matapos ang pag-uusap namin ni Rien.

Napatakip agad ako sa aking ilong nang malanghap sa hangin ang iba't ibang klaseng amoy ng yosi na may halong amoy ng pera.

I almost gagged but I endured, swallowed it, and walked with a straight face. I entered a hallway towards a metallic door, and grey smoke immediately welcomed my face. My lungs tightened and I couldn't help but cough.

Ewan ko kung allergy ako sa amoy ng usok o sawa lang sa amoy ng yosi ni Natania. And every time I inhaled it, I was always reminded that I'd be entering hell.

Napahigpit ang kapit ko sa aking tote bag at napahila rin sa aking kwelyo pataas upang mas maayos na matakpan ang sarili.

Masyadong malagkit ang tingin ng ibang mga lalaking mukhang adik na nadadaanan ko, na kahit balot na balot naman ang damit ko ay pakiramdam ko hubad ako sa mga mata nila.

Kakilala ko 'yong ibang mga taong narito at magaang binati nila ako ngunit may iba ring hindi taga rito na sobrang pangit kung makatingin.

'Yong iba ay saglit na napapalingon lamang sa akin at balik ulit ang mga konsentrasyon sa kanilang paglalaro. They were playing poker cards and mahjong tables that I had never intended to learn.

Pinigilan ko ang aking hininga hanggang sa makarating sa isang pinto at makapasok. And that few seconds felt like death. But it was nothing worse than what I had experienced.

I didn't know what pushed me up to this point. Maybe my fear of Natania's scoldings and beatings dominated more.

Everything just smelled like gambling and I couldn't help but swear that I would never want to come back to this place.

"Oh, ikaw pala, Emi," bati ni Aling Nena.

She was in her late forty's. Muling nakuha ng atensyon ko ang mga itim niyang mga pabilog na hikaw sa kaniyang magkabilang tainga. There were five of them in total clinging on her big ears.

Galing din sa Brookfield si Aling Nena ilang mga taon na ang nakalipas bago siya lumipat dito, dala ang madilim at nakalalason niyang impluwensiya sa mga inosenteng tao rito tungkol sa pagsusugal.

"Napadalaw ka?"

Naka-upo siya sa harap ng kaniyang desk habang matunog na nginunguya ang kinakain niyang bubble gum. Inaya niya akong umupo ngunit magalang akong tumanggi dahil wala rin naman akong planong magtagal.

"Nandito po ako tungkol sa utang ni Natania."

Nang marinig ang pangalang iyon ay ang kaninang relax niyang ekspresyon sa mukha ay agad na napalitan nang pagkasuklam.

"Oh? Aba'y kamusta naman ang putang babaeng 'yon? Nabili na ba ang mga luho niya gamit ang pera ko?" Taas-baba niya akong tinignan nang may panghihinala. "Wag mo sabihing hihingi na naman siya ng extension? Ang laki-laki na ng interes niya!"

Iniluwa niya ang bubble gum at idinikit iyon sa ilalim ng mesa saka siya humugot ng isang stick ng sigarilyo at ipinuwesto iyon sa gitna ng kaniyang mga labi.

Oh, no. Please don't anymore add the obnoxious scent in the air. I mumbled in my head with impossible hopes that she would read my mind.

Tumikhim ako. "Dala ko po ang pangbayad niya."

Natigil ang akmang pagsindi niya at ito'y iniluwa. I mentally thanked the heavens. "Talaga? Nasaan?" parang nagningning ang mga mata na tanong niya. Nabuhay din ang tunog ng kaniyang boses.

"Ngunit may pakiusap po sana ako," umpisa ko habang hinihigpitan ang pagkapit sa strap ng aking tote bag. Binaha ng pag-aalinlangan ang aking kalooban.

I honestly told her I couldn't pay in full yet and that was when she started cursing Natania again—she even had to scream just to express her frustration. I could only look down at my shoes all the time she did that.

Sinfully AngelicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon