Kabanata 7
We arrived in Tagbilaran at almost exactly 6:30Pm, hindi ko maipaliwanag ang pagod ko. Buti nalang well organized ang plans ni Rafael and we're able to take dinner and good rest at 6:45 Pm.
Ngayong 7:15 Pm ay papunta na kami sa hotel room namin after our dinner. Nagkaconflict pa kanina dahil dito, mali ang na book ng Secretary ni Rafael.
Instead of a room with 2 beds, eh 1 na bed lang ang nasa room na 'to. He wanted to change the room but I insisted, alam kong magtatagal kami doon at kung non-refundable pa iyon ay sayang, alam ko namang ako lang ang iniisip ni Rafael.
Kakatapos ko lang mag toothbrush at paglabas ko ng comfort room, naabutan ko si Rafael na kakatoothbrush lang din, nakaset up na at nakahiga, nakapikit at nakahalukipkip sa sofa bed.
Mabilis akong napahakbang palapit sa kaniya in disbelief at tinapik ko ang balikat niya.
"Malaki naman ang bed, let's share." Banggit ko habang sinusuklay ang buhok ko, nakatayo sa harap niya.
Bahagya niya akong tiningala kaya saglit na nagtama ang aming mga mata, pansin ko ang namumungay na ang mga ito.
"Enjoy it yourself." Aniya, nag iwas tingin at tuluyang nagpalamon sa sofa bed, tuluyan na akong tinalikuran.
"Ano ba, Rafael?!" Marahan kong tinapik ang likod niya. "Hindi ako makakatulog, maguguilty ako."
"Okay lang ako dito. Just sleep." Firm niyang sinabi at talagang hindi ako nilingon.
Bumuntong hininga ako. I can't stand against him anymore, nanghihina na ako sa antok.
"Fine, but if later on ay naisipan mong lumipat, just move, wala akong paki." Wala namang malisya ang mga 'to sa akin.
Hindi siya tumugon. "Hoy Rafael sumagot ka." Utas ko at bahagyang inalog alog ang likod niya gamit ang paa ko.
"Oo na, stop bothering me and sleep."
Napangisi ako sa sagot niya at tuluyang nagdive sa kama. "I will not be bothered if I wake up tomorrow facing you."
Narinig ko pa ang pag hissed niya.
The next morning, nagising ako dahil kay Rafael.
Kunot noo ko siyang tiningnan, nakatayo sa tabi ng kama at bahagyang nakatingin sa akin.
"Bangon," Aniya at busangot ang mukha.
"5:00 palang ah," Dazed ko pang nasabi, kinukwestyon ang aksyon niya.
"Mag-ayos ka na." Umupo siya sa tabi ng kama at tinitigan ako.
Magulo pa ang buhok niya pero mukhang nakapag ayos na siya ng kanyang sarili, nakapag hilamos na at toothbrush.
Iba na ang suot niya from last night, nakarashguard na shirt na siya.
"5:30 start ng dolphin watching, problem is wala pang breakfast this early, may tinapay naman sa mini fridge, so eat."
Mariin nalang akong pumikit. Ang lamig ang sarap sa kama, hardest part of my day is waking up.
"Bangon na, gusto mo ba ng coffee?" Firm niyang pag ulit na dahilan ng pagkairita ko, kaya naman dali dali akong bumangon at umalis sa kama para mag ayos at binalewala ang tanong niya.
"Hindi naman ako gutom." Banggit ko habang sinusuklay na ang buhok ko. Hindi niya nga pinansin ang sinabi ko.
Mabilis akong nakapag ayos, hilamos, toothbrush at nakapagbihis din ako, I am wearing a one piece swimsuit. Iniready ko na din ang cardigan ko, malamig pa panigurado.
