Nang makaalis si Caia sa pagdiriwang ng kanilang pamilya ay agad siyang nagtungo sa Montauveil. Wala naman siyang ibang alam na lugar kung saan pa sila makikita kung 'di doon lang sa bangin na may altar ni Amor Fati.Bumaba naman siya sa kanyang kotse nang marating niya ang bangin. And even if she's a vampire, she felt her body numbed after driving nonstop. She can just run as fast as a car but it would expend more stamina than simply driving. Ang layo pa naman ng Montauveil mula sa Lumien.
"You shouldn't even have to travel."
Napalingon si Caia sa likod niya.
'Only an immortal can escape my senses,' sambit niya sa isip.
Mahaba ang itim nitong buhok at nakasuot ng simpleng puting bestida. Ang mga mata naman nito'y kulay pilak na may kaunting pula.
"You're the Fate's Attendant..." sambit ni Caia.
Napataas naman ang kilay ni Erin, ang Fate's Attendant. Ngayon lang naman sila nagkita. Si Winter, Asmodeus at Mathilda lamang ang nakakakilala sa kanya sa mundong ito.
"Naikwento ba ako sa'yo ng iyong ina?" tanong ni Erin.
Tumango si Caia at sinabing, "Yeah, something like that."
Sa totoo lamang ay may nakita siya na painting ni Erin noon sa bahay nila. Malamang ay ang ina niya ang gumawa nito.
"Ano pa lang ang ibig mong sabihin kanina?" tanong ni Caia.
"That you shouldn't travel? I can open the portal anywhere anyway. You should have stayed in Lumien."
Hindi naman sumagot si Caia, bagkus ay tumingin sa ibaba ng bangin. Mas maganda na ang malayo siya sa ngayon dahil baka magbago pa ang kanyang isip. Isa pa, baka puntahan siya ng mga ito, dahil madali lang naman nila matukoy kung nasaan siya. Kung mas malayo siya'y malamang hindi na nila balakin pang sundan siya upang magpaalam.
"Tara na."
Natigil sa pag-iisip si Caia at simpleng tumango sa sinabi ni Erin. Sa totoo lang ay may kaunting kaba siya dahil hindi niya alam ang lugar na pupuntahan niya.
Then, Erin opened up the portal, astounding Caia since magic like that is non-existent for the mortals. A few can use teleportation but they can't definitely move to other realms or world. They are restricted to the mortal world only.
Nang makalagpas naman sa portal ay sinalubong si Caia nang malawak na damuhan at maaliwalas na ulap. Ang kulay pilak niyang buhok ay sumasabay din sa ihip ng hangin.
"Nandito na ba tayo?" tanong niya.
Umiling naman si Erin at itinaas ang kamay. May binibigkas itong mga salita na hindi maintindihan ni Caia. Kakatapak pa lang niya sa kakaibang lupain pero naramdaman na niya ang layo niya sa mga nilalang na ito. As someone who belongs to an affluent clan, she has everything she needs. Almost all the knowledge of the world is handed into her.
Pero ngayon ay para siyang isang mang-mang na kailangang magsikap upang hindi maagrabyado ng mga nilalang sa lugar na ito. Sarili niya lamang ang mapagkakatiwalaan hindi tulad noong kasama niya ang kanyang pamilya.
"This is the door to the one of the highest realms. Ang kinatatayuan pa lang natin ay ang sarili kong tahanan," paliwanag ni Erin.
Itinuro nito ang isang magarang pinto na kulay ginto at pula ang hitsura.
"Ah and you will meet the God of Fate, what a luck," dagdag nito.
Napatigil sa paglalakad si Caia. Papasok na sana siya ng pinto ngunit napalingon siya kay Erin.
BINABASA MO ANG
Her Divine Lover
Fantasy[Taglish Story] - ACCURSED IV The Sovereign have set out detailed rules to maintain the balance of everything. It's within the book "Sovereign's Code" known by Gods and all kinds of immortals. On the other hand, the mortals are unaware of this rule...