1

19 5 2
                                    

Manggagamot, mangkukulam, at mangbabarang.
By: Rosenbloom1995
EP 1

Napakaganda ng kulay ng tubig sa lihim na ilog ng Ethyl, maraming taga-liblib na lugar ang nabibighani sa malinis tubig at tila buhay na buhay na mga bato sa paligid niyon. Maraming mga puno ang nakapalibot dito at siyang nagbibigay ng lilim sa ilog. Ang ilog Ethyl ang masasabing pinaka-matagal na ilog sa buong mundo. Kung wala kang anim na pakiramdam hindi mo makikita ang lihim ng ilog. Ang mga nasabing residente at mga nakasaksi sa pawang ilog ay mga antingero, manggagamot, mga mangkukulam, mangbabarang, at marami pang iba. Lahat ng nabanggit na katauhan ay may anim na pakiramdam.

Tatlong magkakaibigan mula sa baryo ng Amadeo ang nagtungo sa bundok Sundah, nais kasi ng magkakaibigan na makakuha ng mutya mula sa ilog ng Ethyl. Mapalad ang makakakuha ng mutya mula sa ilog, at nais ng magkakaibigan na lahat sila ay makakuha nito upang magamit sa mga nagkalat na ibong napaka-laki at bumubuga ng apoy, ang ilan naman mga tao na may kakayanan na maglabas ng apoy gamit lamang ang kanilang mga kamay, at mayroon ding mga nilalang na hindi nakikita at magugulat na lang ang magiging biktima nito dahil nakalapit na ito para sunugin ang biktima.

Napaka-delikado ng kapangyarihan na ito, kaya naman ang tatlong magkakaibigan ay nagsama-sama upang makakuha ng kanya-kanyang mga mutya.

Si Edwin ang manggagamot, si Badong ang mangkukulam, at si Dudot ang mangbabarang. Malinis ang kanilang intensiyon sa pag-aaral ng ganitong kakayanan. Subalit, hindi sapat ang kanilang kakayanan dahil malakas ang kapangyarihan ng apoy.

Tumutupok ng bahay, sumusunog ng pananim, at pumapatay ng libo-libong tao at mga hayop. Hindi na normal ang nangyayari sa baryo ng Amadeo, kung kaya't sinikap nilang humanap ng solusyon upang malunasan na ang paghihirap na dulot ng kasamaan ng pwersa ng apoy.

Pagod na pagod ang magkakaibigan sa napaka-layong nilakad, inakyat, at itinakbo sa bundok Sundah. Sino bang mag-aakalang makakaabot sila sa bundok na iyon.

"Edwin!" tawag ni Badong kay Edwin.

"Bakit?" wika ni Edwin at nilingon si Badong.

"Ang daming halamang gamot dito," wika ni Badong at kumuha at ibinigay kay Edwin. "Marami kang magagamot ng halaman na 'to!" masayang sambit ni Badong habang hawak-hawak ang mga halamang basta na lang nito binunot.

Lumuhod naman si Edwin upang dasalan ang halamang pinugot ni Badong.

"Bakit ka pa nagdarasal, biyaya naman ito ng diyos sa atin!" nagtatakang wika ni Badong kay Edwin.

"Nagkakamali ka, hindi lahat ng nakikita natin ay pwede nating kunin. Minsan akala natin ayos lang, paano kung may mga nagbabantay dito at hindi tayo pinayagan?" sunod-sunod na saad ni Edwin kay Badong. At sinundan pa ng isang paalala, "Mag-iingat ka, kahit mangkukulam ka maari ka din nilang gantihan!" Paalala ni Edwin.

Bahagyang natigil sa pagtatalo sina Badong at Edwin ng akbayan ni Dudot.

"Gusto ni'yo bang tawagin ko ang mga insekto?" pananakot na wika ni Dudot.

Nataranta ang dalawa, kumawala sa akbay nito. Sino bang gustong sumuka ng ipis, uod, bulate, o 'di naman kaya ay alupihan na may kasama pang lupa.

"Ito naman, hindi mabiro!" wika ni Edwin sabay siko sa kaibigan na si Dudot. Ito ang pinaka-seryoso sa kanilang tatlo. Samantalang si Badong ang pinaka-pilyo, at si Edwin naman ang balanse ng pagkakaibigan. Kaya niyang mag-seryoso, kaya din niyang maging mapagbiro.

"Mabuti!" seryosong wika ni Dudot.

"Tara na mga kaibigan!" Wika ni Edwin kina Badong at Dudot.

Malapit na silang makarating sa ilog ng Ethyl, marami din silang nakuhang mga halamang gamot. Samantalang si Badong kung ano lamang ang mapulot na maliit na hayop ay nilalagay agad nito sa boteng nakasabit sa gilid ng kasuotan nito.

Tres Amigo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon