EP 12
"Anong ibig mong sabihin?" sigaw ng kanyang tatay.
Hindi makapaniwala si Edwin, sinigawan siya ng kanyang tatay. Wala naman alam si Edwin tungkol sa mga kakaibang nilalang, at hindi din niya namalayan Ang biglang pagkawala ng kanyang mga tiyuhin.
"Huwag mong sigawan ang anak natin! Hindi naman niya alam ang tungkol sa tunay na nangyari? Hindi naman niya alam na banta na ito sa buhay ng kanyang mga tiyuhin," sambit ng kanyang ina. Nagulat naman si Edwin sa inasta ng kanyang ina, "Anak, magpahinga ka. Mamaya ipapaliwanag ko sa 'yo kung bakit nagagalit ang tatay mo!" wika ni Narra sa kanyang anak na si Edwin.
Walang ibang nakakarinig sa kanila dahil ang mga panauhin nila ay wala sa loob ng kanilang tahanan. Pakiramdam ni Edwin masyadong seryoso ang kanyang ama, ibig lang sabihin nito nasa bingit ng kamatayan ang kanyang mga tiyuhin.
"Anong gagawin ko?" wika niya. Papasok na sa kanyang kuwarto, "Hindi ko naman alam kung saan dinala ng babae na iyon ang mga tiyuhin ko?" mahinang wika ni Edwin.
Pinagmasdan ni Edwin ang hawak na mutya ng kanyang mga tiyuhin. Nais sana niyang gumawa ng hakbang, subalit natatakot siya, nakakatakot na baka magkamali siya at maging siya ay hindi na makatayo pa.
Pinanghihinaan na siya ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya kasalanan niya dahil wala man lang siyang ginawa upang masundan ang mga ito.
"Sa wari ko may ginagawa nang masama ang babaeng iyon sa aking tiyuhin, paano na lang kung hindi na sila makabalik!" Paulit-ulit na paninisi ni Edwin sa kanyang sarili.
"Ano kaya kung isuot ko ang mga mutya? Ituturo kaya sa akin ng mga ito kung nasaan ang aking mga tiyuhin?" parang nasisiraang wika ni Edwin. Kinakausap na niya ang kanyang sarili na para bang isang baliw at nagpatuloy pa, "Pakiusap, sana naman tulungan ninyo ako!" tila nagmamakaawang wika niya sa mga mutya.
Nang sandaling iyon, napansin ni Edwin ang tila pagkislap ng mga mutya. Nagdadalawang isip siya kung nanaisin pa ba niyang isuot ito o hindi na lang. Bakit umiilaw ng ganoon ang mga mutya gayong wala naman ang kanyang mga tiyuhin. Kakaiba ang nararamdaman ni Edwin ng sandaling iyon kaya naman ilalapag na sana niya ang mga mutya na pag-aari ng kanyang mga tiyuhin, subalit isang pangitain ang kanyang nakita.
Sa pangitain na kanyang nakita, magwawakas ang buhay ng kanyang mga tiyuhin, kapag hindi niya nagawang mailigtas ng mas maaga ang mga ito. Kaya naman wala nang isip-isip pa agad niyang isinuot ang mga kuwintas.
Nagulantang si Edwin ng lumitaw agad sa kanyang diwa kung saan naroon ang kanyang mga tiyuhin, 'yung kweba kung saan dinala ng masamang nilalang si Angelina naroon lamang ang kanyang mga tiyuhin.
Tila may kung anong bagay na bigla nalang humatak sa kanya, at ngayon nandoon na siya sa tapat ng talahiban kung saan nakikita niya ang mga nagmamartsa na sundalo at pinatay din ng mga nilalang na may apoy na kapangyarihan.
"Dito?" wika ni Edwin.
Nagmadali na siyang maglakad papunta sa kweba, nagulat siya ng hawakan siya ng isang sundalo.
"Mamamatay ka diyan!" wika nito kay Edwin.
Malamig ang mga kamay ng sundalo at para bang malampot na bagay itong nakahawak kay Edwin, hindi niya nararamdaman ang higpit ng hawak nito, tanging 'yong lamig lamang ng kamay nito ang kanyang nararamdaman.
"Bitawan mo ko!" sigaw ni Edwin.
"Patay ang dios," wika naman ng lalaking sundalo. Napalingon siya ng marahas sa lalaking kausap niya, "Hindi ka niya maririnig, kamatayan ngayon ng anak ni David!" dagdag pa nito.
Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaking sundalo at nagpatuloy na sa paghahanap sa kanyang mga tiyuhin.
**

BINABASA MO ANG
Tres Amigo [Completed]
HorrorThis story is Historical, magical, romance, and horror. I hope you like it. Have a nice day. Tatlong manggagamot sa iba't ibang pamamaraan ang siyang biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan ng mga mutya. Sina Edwin, Dudot, at Badong ay pawang magk...