14 (BABAENG BIYUDA, Mangalina NG BARYO MARIPAS)

6 1 0
                                    


EP 14

Naniniwala ang mga Salvacion sa mga bakunawa, naniniwala din sila na kapag nilamon nito ng buo ang buwan ay kusang manghihina ang mga mutya. Kaya naman sa bawat gabi na magkakaroon ng buo na buwan, sinisigurado nilang nakapatay lahat ng mga gasera upang makita nila kung nananatili pa ba ang liwanag o hindi.  Samakatuwid, madali lamang para sa kanila ang malaman kung nandoon ang bakunawa o wala. Kapag naganap na makain ng bakunawa ang buwan ng kalawakan, wala nang magsisilbing gabay sa lupa, tubig, maging sa himpapawid.

Kung ang buwan ay mawawala lang isang araw, magkakaroon ng ilang mapaminsalang kahihinatnan na magkakaroon ng hindi maibabalik na epekto sa buhay sa Earth. Subalit kung habang buhay na itong mawawala, maraming bagay sa mundo ang magkukulang.

Ang mga karagatan ng daigdig ay magkakaroon ng mas maliit na pagtaas ng tubig. Ang pagtaas ng tubig ay nagbubuga ng materyal sa mga karagatan, na nagpapahintulot sa mga ekosistema sa baybayin na umunlad. Ang mga hayop sa mga kapaligirang ito; alimango, tahong, starfish, snails ay umaasa sa tubig para mabuhay. Kung walang babalanse sa mga ito maaring magkaroon ng malawakang pagkalipol.

Sa lupa naman, ang mga hayop ay magkakaroon ng kalituhan dahil wala nang gabi. Ang mga mandaragit ay umaasa sa kadiliman ng gabi at sa kaunting liwanag ng buwan mabisa manghuli. Kung walang anumang liwanag sa gabi, malamang na umunlad ang biktima dahil ang mga mandaragit ay mahihirapang makita ang mga ito. Gaya ng sa dagat, ganoon din ang mangyayari sa mga hayop sa lupa.

At ang panghuli ay ang mas nakakabahala. Kung may apat na klima na nararanasan ang mundo, kapag nawala ang buwan maiiba na ito at hindi na maibabalik sa dati.

Nang sandaling iyon, napag-usapan nila ang tungkol dito. At sa palagay nila ay nalalapit na ang muling pagpapakita ng bakunawa, base sa kwento ng mga matatandang tao may kakayanan din ang mga ito na magbuga ng apoy.

Kaya naman mas nangangamba ang magkakapatid na Alde, na baka hindi na nila kayanin pang bumangon kung mawawalan na naman sila ng tahanan dahil sa bakunawa.

"Totoo ba talaga sila?" diskumpyadong wika ni Ceelina.

Tumingin si Badong kay Ceelina at para bang nanglalaki ang mata nito na tiningnan ang una.

"Nakikita mo ba 'to!" wika ni Badong. Itinuturo niya ang kanyang mga mata, "Ganyan kung nakatitig ang mga mata ng bakunawa, mapanindak, matalim, at nakakapanghilakbot." Sambit ni Badong.

Dahil sa paninindak ni Badong kusang nagtago si Ceelina sa likuran ng kanyang ate Haryan. Hindi maitatwang natakot ang dalaga sa inaasta ni Badong.

"Tama na nga 'yang kalokohan mo!" wika ni Narra kay Badong.

Nang sandaling iyon, abala silang lahat sa pag-aasikaso ng kanilang magiging pananghalian, tapos na ang kanilang misyon sa mga sundalo at sa kweba kung saan nagkukubli ang babaeng nanghihipnotismo at may kakayanan na magliha ng apoy.

Si Dodong at Edwin naman ay abala sa panghuhuli ng isda sa batis malapit lamang sa kanilang tahanan, habang si Dudot naman ay abala sa paggawa ng apoy sa gilid ng batis upang doon ihawin ang lahat ng mahuhuling isda.

**

Sa kabilang banda, isang grupo ng hayop ang nahuli sa patibong ng mga mangangaso. Hindi sila makapaniwala sa dami ng kanilang nahuli, ang ginamit nilang lambat sa panghuhuli ay bigay ng isang babaeng biyuda na ang dating asawa ay mangangaso din. Isinumpa ito ng buong baryo Maripas dahil sa pagtupok ng babaeng ito sa mga bahay na nakalambitin lamang sa mga bato sa magkabilang bundok. Namatay ang mga tao roon sa pagkalunod.

Ang baryo Maripas ay magkabilang batong bundok, at ang gitna nito ay dagat na malalim at maraming mababangis na hayop. Ang mga mangangaso lamang ang siyang kumopkop sa babae dahil alam ng mga ito na nagawa lamang ito ng babae dahil sa labis na pagmamahal. Kaya ito ay nagalit sa mga ka-baryo dahil sa  karumal-dumal na pagpatay ng mga taga-baryo Maripas sa asawa nitong wala naman kinalaman sa insidenteng binibintang dito.

Tres Amigo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon