EP 5
Isang umaga aligaga si Edwin, dahil ito sa kanyang hindi magandang panaginip. Naisip din niya kung ano nga ba ang misyon niya bilang isang manggagamot. Nagsimulang umibig ang isang tulad ni Edwin, subalit naudlot din ito ng malamang umiibig na ang kanyang tiyo Badong sa dalagang si Haryan.
Pumunta ang tatlong magkakapatid sa kanilang baryo, dahil pormal na magpapasalamat ang mga ito sa panggagamot ni Edwin sa mga ka-baryo ng mga ito. Ngunit nakahanda na siya upang pumunta sa bundok ng Sundah upang manguha ng mga halamang gamot, ganoon na din ang manalangin sa dios ng bundok Sundah.
"Ginoo, aalis ka?" usisa ni Haryan kay Edwin.
"Oo binibining, kailangan kong manguha ng mga halamang gamot. Mayroon kasi akong misyon kinabukasan. Paumanhin kailangan ko nang umalis!" wika ni Edwin.
Hindi man lang nakapagsalita ang dalaga dahil umalis na kaagad si Edwin sa harap ng mga ito.
'Paumanhin, binibining Haryan! Ayaw sana kitang iwan lang ng basta. Subalit, hindi ko kayang labanan ang inis dahil sa sinabi ng tiyuhin ko!'
Nanginginig si Edwin habang naglalakad, kung ano-ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nagpatuloy na sa paglalakad at hindi na lumingon pa sa mga bisita.
**
Sa kabilang banda, magiliw na inasikaso ni Badong ang mga bisita, samantalang si Dudot ay naroon lamang at nakatingin sa sa dalagang nagngangalang Angelina.
"Ang ingat ng babaeng ito!" mahinang wika ni Dudot.
Nanatili siya sa isang tabi at hinayaan lamang si Badong na mag-asikaso sa mga bisita. Hindi niya alam kung ano bang meron sa mga dalaga ito, medyo kakaiba para kay Dudot ang aura ng mga ito. Hindi rin niya naririnig ang sinasabi ng isip ng panganay na babae, samantalang ang isa naman ay walang ibang iniisip kundi si Edwin, marahil dahil sa pag-alis nito ng hindi man lang nilingon ang mga ito kanina. At ang isa naman, tila gustong murahin ang kapatid nito dahil kay Badong.
'Pero bakit?' wika ni Dudot sa kanyang isipan.
Hindi alam ni Dudot kung bakit ganoon ang tinatakbo ng isip ng bunsong kapatid ng mga ito? Panandalian niyang binasag ang sandali.
"Binibining Haryan, huwag kang mag-alala masyado... At ikaw binibining Ceelina, alam ko kung ano ang itinatakbo ng isipan mo, huwag mong hintayin na sabihin ko pa sa kanila kung ano 'yon!" sambit ni Dudot.
At lumabas na ng tahanan, hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginawa, subalit uminit ang suka ng balyena. At nang matapos niyang sabihin 'yon ay agad tumigil ang pag-init nito.
Napabuntong hininga siya at sinabing, "Nawa'y tama naman ang winika ko?" napakamot siya at para bang hindi nagustuhan ang sinambit niya kanina. "Huwag naman sanang magkamali sa mga sinasabi ng isip ko." wika pa ni Dudot.
Sa sandaling iyon, hindi naman intensiyon ni Dudot makialam sapagkat hindi naman talaga siya mahilig magkaroon ng pake sa ibang tao.
**
Kinagabihan, pauwi na sina Haryan, Angelina, at si Ceelina. Naririnig nilang nagsisigawan ang mga tao, isang babae ang kanilang tinanong.
"Binibini, ano ho ang nangyari?" usisa ni Haryan sa babaeng nakasalubong nila.
"Mga binibini, sa tahanan ninyo nagsimula ang sunog. Isang lalaking nakakatakot ang gumawa niyon, sinunog din niya ang mga bahay namin!" wika ng babaeng nakasalubong nila.
Agad na tumakbo sina Haryan at ang mga kapatid nito patungo sa kanilang tahanan. Inabutan nilang wala nang kahit na anong natira doon, tinupok na ng apoy ang kanilang tahanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/337209685-288-k240841.jpg)
BINABASA MO ANG
Tres Amigo [Completed]
TerrorThis story is Historical, magical, romance, and horror. I hope you like it. Have a nice day. Tatlong manggagamot sa iba't ibang pamamaraan ang siyang biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan ng mga mutya. Sina Edwin, Dudot, at Badong ay pawang magk...