20

4 0 0
                                    

EP 20

Hinding-hindi pagsisihan ni Mangalina na pinili niyang maging sakripisyo, alang-alang sa natitira niyang pamilya. Magdamag siyang nag-ensayo sa ilalim sa tubig, sa ilog ng Ethyl. Kung ito man ang magiging huling sandali ng kanyang buhay, pipiliin niya nang magpakabuti. Dahil hindi na siya maaring umibig, wala na din saysay ang mahalin pa ang sarili o ang ibang tao. Ilalaan na lamang niya sa kanyang dalawang pamangkin ang kanyang buhay.

Sa ilalim ng tubig, maraming mababangis na nilalang na sumalakay kay Mangalina. Ang ensayong ito ay gawa ng sirena na nangangalaga sa mga mutya ng yamang tubig. Nang sandaling iyon, hindi na siya nakakadama ng matinding pagkapagod, at nang sandaling iyon hindi na rin siya basta-basta nasusugatan. Habang nakikipaglaban sa mga malulupit na isda na kayang pumatay, walang takot itong nilabanan ni Mangalina.

Ang mga piranha ay ubod ng liksi at kapag nakagat nito ang ating balat, siguradong mababalatan ang katawan natin. At kung hindi man ito maaagapan, maaring humantong sa kamatayan ang sinumang maging biktima ng piranha.

Hindi na siya nakakaramdam ng pagkalunod, at hindi na rin siya nawawalan ng balanse. Habang nakikipaglaban si Mangalina sa mga piranha, sa tabing ilog ay naroon sina Badong, Dudot, at Edwin. Inaalayan nila ng dasal at orasyon ang pakikipaglaban ni Mangalina, nang sa ganun ay hindi ito babalik sa normal nitong kaanyuan. At mas maging malakas pa si Mangalina sa kanyang pakikipaglaban.

Isang araw na lang ang natitira bago ganapin ang nasabing pakikipaglaban sa masamang bakunawa. Ang sakripisyo ni Mangalina ay magkakaroon lamang ng pakinabang kung matatalo nila ang masamang bakunawa na kumain sa buwan. Dahil sa ilang buwan na pananatili ng bakunawa sa langit, wala na ang buwan na siyang responsable sa pagpapataas ng lebel ng tubig, wala na ang buwan na siyang hudyat na kailangan ng tumigil sa trabaho o kailangan matulog, at wala na din buwan na liliwanag sa madilim na gabi.

Ang layunin lamang ni Mangalina ay makaganti sa kanyang kaibigan, at gusto niya ding mapatawad siya ng lahat ng taong pinaslang niya noon. Sa hinaba-haba ng panahon, kung hindi pa naganap sa kanya ang kamunduhan ng kasamaan, hindi siya magigising sa bitag ng mga kampon ng kasamaan.

Wala ng kahit na anong salita na maririnig sa bibig ni Mangalina, hindi na rin maririnig ang matunog niyang halakhak, hindi na rin masisilayan ang kaakit-akit niyang mga mata.

"Ate, babalik pa ba siya sa itsura noon?" Wika ni Haryan kay Angelina.

Dahil hindi matiis ni Haryan ang kapatid ay nakipagbati na lang siya sa kapatid. Subalit hindi pa din maalis ang agam-agam nito kung bakit ganoon ang malasakit ni Angelina sa tiyahin kaysa sa sarili nitong mga kapatid.

"Kaya ko umiiyak ako noong magsakripisyo siya, nakwento niya kasi sa akin noong maliit pa ako na kapag naging bakunawa ang isang tao, kailanman ay hindi na pwedeng umibig, hindi na pwedeng makipagtalik, hindi na makakapagsalita, hindi na makakatawa, at higit sa lahat hindi na makakabalik sa dati nitong itsura." Wika ni Angelina.

Natahimik si Haryan sa kanyang narinig, hindi niya lubos akalain na ganoon ang magiging sakripisyo nito, "Pero bakit? Bakit niya ginawa iyon?" biglang usal ni Haryan sa kanyang ate na si Angelina.

Lumingon naman si Angelina kay Haryan at sinabing, "Hindi mo ba talaga nakikita? Kasi mahal niya tayo, gusto niya tayong mamuhay ng malaya kahit na alam niyang sa gagawin niyang ito ay hindi na siya makakabalik sa dati niyang itsura. Hindi mo ba talaga nararamdaman? Buti nga gusto ka pa niya iligtas, kahit hindi naman talaga namin kayo kadugo. Hindi naman kita kapatid, ampon ka lang! Ampon lang kayong dalawa ni Ceelina. Kaya nga nagtataka ko minsan sa inyo, hindi naman  kayo tunay na anak, pero kayo yung mahal na mahal nila ina, ama, at lolo." Wika ni Angelina na tila punong-puno na sa galit at bigla na lamang bumulusok.

Tres Amigo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon