Ep 18
Hindi magbabago ang sitwasyon, gaya ng una mananatili pa rin ang masamang bakunawa sa kalangitan kasama ng mga bituin sa gabi, at asul na kalangitan sa umaga. Marahil, nasasabi na ng lahat na ito na ang katapusan ng mundo. Ngunit may makapagsasabi nga ba kung saan tayo magiging ligtas.
Ang masamang bakunawa ay walang ibang iisipin kundi ang kanyang sarili, parati nitong uunahin ang sariling kapakanan. Ang buwan at ang araw ay hindi lang naman umiikot sa planetang Earth, marami pang mga planetang nakapalibot dito, at hindi lang ang galaxy, o milkeyway, o universe ang kasama ng mga ito kundi mas marami pa. At kung ikukumpara ang earth sa buong universe walang sinabi ang kinatatayuan ng lahat ng tao.
Ngunit ng sandaling iyon, nawalan ng saysay ang mundo ni Haryan. Hanggang ngayon punong-puno pa rin galit ang puso niya dahil sa nangyari kay Ceelina.
Kahit ang tres amigo ay walang nagawa upang pahupain ang kalungkutang nararamdaman ng dalaga. Wala ring makapagsasabi kung kailan huhupa ang kasamaan ng bakunawa. Naroroon pa rin ang mga taong nanatili sa kanilang baryo, subalit lahat ng mga namatay ay hindi na makakabalik pang muli. Kung may makapagsasabi lang sana ng katotohanan tungkol sa totoong mangyari kung matatalo ang bakunawa, baka sakaling magbago ang pananaw ni Haryan ganoon na din ni Edwin na nawalan ng ama at ina.
Nailibing na at lahat ang bangkay ni Ceelina, subalit ang nanatili pa rin si Haryan sa lupa at nakayakap sa puntod ng kapatid. Hindi alintana ang dumi na didikit sa damit nito at ang mikrobyo na kakapit sa balat nito.
Ngunit walang pakialam ang dalaga, dahil ang nais niya lamang ay madama pang muli ang presensiya ng kapatid, nang sandaling iyon ay inaawat na siya ni Angelina upang kumain na sana.
"Tayo na diyan. Ilang araw ka nang hindi kumakain baka magkasakit ka!" wika ni Angelina kay Haryan. Inaalalayan niya itong makatayo, ngunit kinontra ito ni Haryan.
"Bitawan mo 'ko! Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo! Maibabalik pa ba nito ang buhay ni Ceelina?" Umiiyak na sambit ni Haryan.
Agad na lumapit si Dudot upang alalayan naman si Angelina dahil malakas ang pagkakahawi ni Haryan dito.
Dinamayan naman ni Edwin ang dalaga at dinasalan ang kaluluwa ng bunsong Alde.
"Ginoong Edwin, kung 'di sana naggalit-galitan si ate Angelina, hindi sana mamamatay si Ceelina. Kung nandoon sana siya, mapipigilan sana niya ang paglabas ni Ceelina. Kasalanan ko din ito, kung 'di ako lumabas para tulungan kayo, buhay pa sana si Ceelina. Dapat ako na lang ang namatay," umiiyak na paninisi ni Haryan sa kanyang sarili.
Subalit narito si Edwin at naiintindihan ang kanyang pinagdaraanan. Inalo lamang siya nito.
"Mahal kita!" biglang wika ni Edwin. Wala sa plano, kusang lumabas ang salitang iyan sa bibig ni Edwin. At si Haryan gaya ng inaasahan ay bigla na lamang tumahan sa pag-iyak.
"Mahal mo ko?" paninigurong usisa ng dalaga!
Tumingin ng mata sa mata si Edwin at hinawakan ang magkabilang balikat ni Haryan, nais niyang ipadama dito na may saysay pa ang buhay nito.
"Anong saysay ng pagmamahal ko binibini, kung 'yung babaeng nais ko ay hindi na nais mabuhay pa! Sabihin mo binibini, ipagpapatuloy ko pa ba 'tong kahibangan ko o huwag na lang?" malungkot at dismayadong sambit ng ginoo.
Hindi naman nais ng dilag na abandunahin ang mga taong nakapaligid sa kanya, kaya lamang pakiramdam niya ng mamatay si Ceelina ay nawala na rin ang kalahating parte ng kanyang katawan. Para bang wala na siyang rason para mabuhay pa. Sa magkakapatid, silang dalawa lamang ni Ceelina ang nagkakaintindihan, kaya naman nang mawala ang huli pakiramdam ni Haryan ay wala na siyang kakampi. Nang sandaling iyon, tanging si Edwin lamang ang kanyang pinakinggan, hindi niya pa rin maalis ang inis sa kanyang nakatatandang kapatid kaya hanggang ngayon ay hindi niya ito kinakausap ng maayos.
BINABASA MO ANG
Tres Amigo [Completed]
HorrorThis story is Historical, magical, romance, and horror. I hope you like it. Have a nice day. Tatlong manggagamot sa iba't ibang pamamaraan ang siyang biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan ng mga mutya. Sina Edwin, Dudot, at Badong ay pawang magk...