16

7 0 0
                                    

EP 16

Napakabigat ng pakiramdam ni Haryan ng sandaling iyon, isang braso ang tumatakip sa kanyang hinaharap, samantalang ang mga telang sako na nilalagyan ng palay ang siyang kumukumot sa kanyang ibaba. Hindi makapaniwala si Haryan sa bilis ng pangyayari, napakagat siya sa ibabang labi dahil sa naging kapusukan nila. Agad na siyang tumayo at isinuot ang kanyang saya.

"Gising ka na?" Wika ni Edwin.

Nagulat naman ang dalaga dahil sa sobrang kaba na dulot ng tinig ng binata. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan, nakita niya ang malapad nitong dibdib na may tubo ng buhok, samantalang ang ibabang parte niyon ay hindi na niya kinaya pang tingnan.

"Kailangan ko nang umalis, baka tayo'y makita nila!" wika ni Haryan.

Napangisi naman si Edwin, "Batid kong alam na nila ang naganap sa atin, dahil sa lakas ng iyak mo kagabi!" wika ni Edwin.

"Talaga? Paano na lang ako haharap sa kanila?" wika ni Haryan.

Tumayo si Edwin at niyakap siya mula sa kanyang likuran at nagsalita nang, "Wala silang kinalaman sa ating dalawa! Kagustuhan ko ito, at nagustuhan mo ito!" diretsang wika ni Edwin.

"Patawad!" Sambit ni Haryan. Humarap ito sa binata at yumakap, "Naging mahina ako, at nagpadala sa init ng iyong halik." Wika ni Haryan. Patuloy lamang sa pag-iyak ang dalaga.

Sa matinding tensiyon na nararamdaman ni Haryan hindi nila napansin at nadinig ang pagdating ng kung sino man sa labas.

"Bilisan ninyo!" sigaw ni Angelina sa labas.

"Ate, kanina ka pa diyan?" sambit ni Haryan.

"Bilisan mo!" galit nitong wika.

Nakaramdam ng matinding takot si Haryan dahil sa tono ng boses ng kanyang ate, ngayon lamang niya narinig ang ganoong tono ng boses ng kanyang ate.

"Anong gagawin ko ginoo?" puno ng takot na wika ni Haryan.

Sumenyas si Edwin na huwag maingay, at nang maigalaw ng binata ang mga kamay ni Haryan para bang may kung anong bagay na humatak paitaas sa dalaga. Nagising siya habang naka-unan sa bisig ng binata.

Agad niyang tiningnan kung mayroon siyang suot na saplot. Nakahinga siya ng maluwag ng Makita ang kanyang saya na naroon pa rin sa kanyang katawan.

"Panaginip lang pala!" wika ni Haryan.

Tumayo na siya at hindi na ginising pa ang binata. Napaisip siya kung totoo 'yung halik na pinagsaluhan nila? Dahil kung hindi bakit sila magkasama? Isa pang gumugulo sa isip niya kung ano ba ang nangyari? At bakit ganoon ang naging kinahinatnan?

"Oh! Saan ka ba galing Haryan? Kanina pa ako naghihintay sa loob!" wika ng kanyang ate na may halong pag-aalala.

"Ilang oras ba ako nawala ate?" wika ni Haryan.

Ngunit natigilan sila ng marinig na naman nila ang muling pagpapa-ulan ng apoy ng bakunawa. Dala ng takot agad na silang pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok na sila ay agad na kumuha si Haryan ng tubig at agad na uminom.

Nagtataka naman si Angelina sa inaasta ng kapatid, "Ano kaba? Maghinay-hinay ka lang sa pag-inom ng tubig baka mapuno ang tiyan mo!" wika ni Angelina sa kanya.

Napalunok naman ng napaka-lakas si Haryan, hindi man sinasadya ngunit tila naging marumi ang kanyang isip, tila ba iniisip niya na dalawa ang ibig sabihin ng winika nito.

"Nako ate, pasensiya kana! Uhaw na uhaw kasi ko! Hindi ko din alam kung bakit?" wika ni Haryan.

Tumikhim lang ang ate niya at tiningnan siya ng makahulugan. Hindi naman siya umimik upang hindi na lang tanungin ng kung anuman. Subalit bigla na lang pumasok si Edwin sa loob ng tahanan at yumakap sa kanya pagkaraka, kaya naman lalong tumindi ang tensiyon sa pagitan nila ng kanyang ate. Habang siya naman ay hindi pa din mawaglit sa kanyang diwa kung ang katoto ba ay may kakaibang ginawi sa kanya nitong nagdaang sandali.

Tres Amigo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon