Ep 2
Kilalang-kilala ang pamilya ni Edwin dahil sa malaking ambag ng kanyang angkan, sa bayan kung saan nagmula ang kanyang mga magulang. Ang bagong ngalan nito ay Amadeo. Ang baryo ng Amadeo ay kinilalang bayan ng mga magigiting na mandirigma. Kaya naman, karamihan sa kanila ay walang inuurungan. Palaban ang lahat at walang kinatatakutan. Ngunit, iba na ang labanan.
Apoy. Sino bang makakayanan ang init ng naglalagablab na apoy? Isang matandang lalaki ang nagkakalat ng kapangyarihan ng apoy na siyang tumupok sa maraming bahay at buhay. Ang lalaking ito ay hindi nila kilala, at walang nakakakilala dito. Ngunit ang lahat ng tao at hayop na binigyan nito ng kakayanan ay dinala muna nito sa impiyerno, bago binigyan ng kakayanan.
Nalaman nila ang kuwento tungkol dito bago namatay ang isa sa biktima at binigyan ng kakaibang lakas. Kinaya niya ang paltos, mga sugat, at mga sunog sa balat. Lahat ng iyon kinaya niya upang mamatay sa lupang sinilangan niya. Kahit binigyan siya ng kakaibang kapangyarihan ng matanda, hindi 'to ginamit ng matanda. Na-kontra ito ng mutya ng kidlat na siyang gamit ng magulang ni Edwin.
Ayon sa kuwento ng matanda na nagngangalang Sebastiano, ang mga nagpapalamon sa kapangyarihan ng apoy ng impiyerno ay mawawalan na ng puwang sa langit, hindi na magkakaroon ng ikalawang pagkakataon upang mabuhay, at hindi na nakakaramdam ng kaligayahan. Kaya naman ang matandang si Sebastiano ay namili kung saan ba niya nais mapunta, at mas pinilit niyang mamuhay ng matiwasay kahit nahihirapan, kaysa mawalan ng puwang sa langit at magkaroon ng ikalawang pagkakataon mabuhay.
Kung pakikinggan parang isang laro lamang ang naging buhay ng mga nabiktima ng kasamaan, subalit para sa tatlong magkakaibigan kailangan nilang tuldukan ang kasamaan ng matandang nagkakalat ng baga ng kasamaan.
Si Edwin, Badong, at Dudot. Nais nilang tuldukan ang lahat ng nangyayari. Ang apoy ay sadyang malakas, maraming mamamatay kung hindi nila mapipigilan ang pasimuno ng labanan na ito.
Isang masarap na hapunan ang sama-samang pinagsaluhan ng pamilya ni Edwin, sa tuwing magkakasama sila ay nakakalimutan na nila kung ano ba ang kanilang misyon. Pansamantalang nagsasara ang kanilang isip sa mga problemang nais magsumiksik sa kanilang buhay.
Labis ang kasiyahan na nararamdaman ni Edwin ng matikman ang mga pagkain na niluto ng kanyang nanay. Madaming halong mga gulay at may pampalasa. Nakatatlong mangkok ng kanin si Edwin bago niya maisipang humigop ng sabaw at itigil na ang pagkain.
"Nay, huwag mo naman pong sarapan ng ganito ang pagkain!" nagrereklamong wika ni Edwin. Pero walang tigil ang paghimas nito sa tiyan. "Tingnan mo nay, wala nang espasyo para sa masarap na bukayo." nanghihinayang na wika ni Edwin.
Samantalang sina Dudot at Badong ay nakatulog na sa sobrang kabusugan. Gumaya na din si Edwin sa kanyang mga tiyuhin, nahimbing na din siya sa tabi ng mga ito. Samantalang ang kanyang tatay na ang nagligpit at naghugas ng kinainan. Ngunit mayamaya nabasag ang mahabang katahimikan nang madinig ang malakas na tawag ng isang matandang lalaki.
"Ginoong Dudot!" sigaw ng matandang lalaki.
Napabalikwas ng bangon si Dudot ganoon na din sina Badong at Edwin. Sabay-sabay nilang pinuntahan ang matandang nagtatawag sa labas at nakita nilang mayroon itong dala na isang planggana, nang silipin ni Edwin ang laman niyon ay nanlaki ang kanyang mga mata at nagtago sa likod ni Dudot.
"Ang daming uod." diring-diring wika ni Edwin. Nanginginig ang kanyang katawan sa tuwing makakakita ng mga nakakadiring bagay. Pero hindi naman siya takot, pinangdidirihan niya lang ito dahil gumagalaw at sobrang liit.
"Tayo na! Puntahan na natin ang kawawang pasyente!" wika ni Dudot. Sumama naman si Edwin dahil maari din niyang matulungan ang pasyente.
Isang kalesa ang sinakyan nila, mabilis ang naging takbo ng kabayo kaya naman mabilis silang makarating sa tahanan ng pasyente.
BINABASA MO ANG
Tres Amigo [Completed]
УжасыThis story is Historical, magical, romance, and horror. I hope you like it. Have a nice day. Tatlong manggagamot sa iba't ibang pamamaraan ang siyang biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan ng mga mutya. Sina Edwin, Dudot, at Badong ay pawang magk...