EP 3
"Anak, ang matandang ito ay lulong sa paggamit ng droga. At kung hindi mo siya magagamot, nasisiguro kong malalagot tayong lahat. Nasa militar ang kanyang mga anak, at maaring ikapahamak natin kung may mangyaring hindi maganda sa kanya." pagpapaliwanag ng kanyang ina. Subalit palinga-linga ito sa pintong pinasukan, dahil baka biglang pumasok ang matanda at marinig pa sila.
"Ganoon kalala inay?" gulat na wika ni Edwin.
"Siyang tunay anak." pagpapatibay nito sa naging pahayag kanina. "Nasisiguro kong hindi kana magiging ganap na manggagamot kung mapapahamak ka sa kamay ng mga anak ng matandang iyan." wika ni Narra sa kanyang anak na si Edwin.
"Nasaan na ba ang manggagamot?" sigaw na tanong ng matandang lalaki.
Napalingon sina Edwin at ang kanyang ina sa pintuan. Napapikit na lang si Edwin, dahil hindi niya alam kung kailan ba siya dapat kumilos at kailan dapat umatras. Hindi niya dapat tanggihan ang lahat ng magiging pasyente niya, at lahat ng may sakit ay responsibilidad niya.
"Nay, gamutin na lang natin! Mainam na sigurong may gawin tayo, kaysa wala tayong ginawa." wika ni Edwin.
Mariin na isinara ni Narra ang kanyang bibig, hindi niya inaasahang napakatapang ng kanyang anak. Imbes na kainisan ang katigasan ng ulo ng anak, mas pinili na lang niyang suportahan ito.
Magkasamang humarap sina Edwin at ang kanyang ina sa matandang lalaki, nakita niya ang malawak na ngiti sa labi ng lalaki.
"Maari niyo ba kaming iwan?" wika ng lalaki at tila may diin pa din ang bawat salita nito.
Lumingon si Edwin sa kanyang ina at tumango, "Nay!" wika ni Edwin. Muling nilingon ang matanda, "Ano ho bang maipaglilingkod ko sa inyo?" kinakabahan na wika ni Edwin.
Luminga ito sa paligid, para bang may kung ano itong iniiwasan.
"Hindi ba't pumunta ka sa ilog ng Ethyl?" wika ng matanda sa nakakatakot na paraan.
"Ho?" gulat na wika ni Edwin.
"Nakita ko kayo, kasama mo ang mangkukulam at mangbabarang mong mga tiyuhin!" sambit ng matandang lalaki kay Edwin.
Hindi mapigilan ni Edwin na magduda sa matandang lalaki, hindi niya alam kung ano ba ang nais nitong iparating.
"Kung hindi ho kayo magpapagamot, umalis na lang kayo!" mariing wika ni Edwin.
Ngumiti ang matanda at nagsalita muli, "Alam ko kung nasaan ang luha ng sirena, suka ng balyena, at makapangyarihan na mutya ng tubig." pagsasaad ng matandang lalaki.
Napaisip tuloy si Edwin kung dulot ba ng droga ang lahat ng sinasabi nito o sadyang may alam talaga ang matanda? Hindi niya alam, hindi niya din alam kung maniniwala ba siya sa mga sinasabi nito. Mutya ng tubig lang ang alam niyang hinahanap niya, ngunit bago sa kanyang pandinig ang luha ng sirena at suka ng balyena.
"Siguro iniisip mo masamang tao ako dahil sa sabi-sabi ng mga tao na lulong ako sa droga, tama ba?" nakangising wika ng matandang lalaki kay Edwin.
"Ho? Wala akong iniisip na kahit ano na tungkol sa inyo!" pagtangging wika ni Edwin sa matanda.
"Huwag mo nang ikaila, gaya ng iyong ina hindi ka din naniniwala sa sinasabi ko!" wika pa ng matanda at bahagyang napangiti at umiling-iling.
Matapang na hinarap ni Edwin ang matandang lalaki, hindi niya rin kasi ito kilala.
"Paumanhin po sa inasta namin ginoo. Magpapakilala na ako sa inyo ng magkaroon tayo ng magandang simula. Ako ho si Edwin mula sa lahi ng mga magiting na manggagamot at matatapang na mandirigma ng kagubatan." wika ni Edwin sa matanda.
BINABASA MO ANG
Tres Amigo [Completed]
HorrorThis story is Historical, magical, romance, and horror. I hope you like it. Have a nice day. Tatlong manggagamot sa iba't ibang pamamaraan ang siyang biniyayaan ng kakaibang kapangyarihan ng mga mutya. Sina Edwin, Dudot, at Badong ay pawang magk...