7

6 2 0
                                    

EP 7

Nakaramdam siya ng napakalamig na ihip ng hangin, sumasakit na din ang katawan ni Edwin dahil sa pagkakahiga niya, kaya naman bumangon na siya upang matanggal na ang sakit ng katawan niya. Nag-iinat siya habang ang mga mata ay nanatili pa din nakasara ang mga mata, nang sa wakas nagmulat na siya hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Isang batuhan sa gilid ng Ethyl, doon siya nakatulog. Kumikinang-kinang ang mga bato roon at para bang kumikislap pa lalo dahil sa repleksyon ng tubig.

"Anong ginagawa ko dito?" sambit niya sa kanyang sarili.

Hindi niya gusto ang itinatakbo ng kanyang isipan, alam niyang naroon siya sa batis sa tapat ng kanilang tahanan subalit ngayon ay naroon na siya sa ilog ng Ethyl.

Nilibot niya ang kanyang mga mata sa buong paligid, pero hindi niya alam kung bakit siya napunta doon? Wala siyang kasama, at wala din siyang nakikitang tao doon. Tahimik na tahimik ang buong lugar at sa kanyang palagay ay nasa ika-anim pa lamang ng umaga.

"Bakit ba ko narito?" wika ni Edwin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang siyang nawalan ng balanse at dire-diretso sa ilog. Hindi niya alam ang gagawin, marunong naman siyang lumangoy subalit may kung anong pilit na humihila sa kanya pailalim.

Habang nasa ilalim ng tubig, tila hindi siya nakakaramdam ng kahit ano. Hindi siya kinakabahan, hindi siya nalulunod, at hindi rin siya natatakot na baka hindi na siya maka-angat ng buhay. Sa kawalan ng balanse hindi akalain may matutuklasan siyang kakaiba.

Nakita niya ang isang sirena na tila masayang makita siya. Wala na itong buntot at tila nasunog iyon, nakatingin lang ito sa kanya, at sumunod ay lumapit ito sa kanya.

"Ito ba ang hanap mo?" wika ng sirena.

Ipinakita nito sa kanya ang isang tila kristal na puti. Nanlaki ang mga mata ni Edwin, ito ba ang mutya ng tubig?

"Kung gusto mo, habulin mo ko!" wika ng pilyang sirena at mabilis itong lumangoy kahit pa wala na itong buntot.

Tila may kung anong bumalot sa buong katawan ni Edwin, iyon ang mga isda na naglilinis ng kanyang paa kagabi sa batis. Patuloy na lumalayo ang mga isda, at ng sandaling iyon parang naging doble pa ang lakas niya.

Nagkaroon ng pagbabago sa kanyang kamay at paa, nagkaroon ng tila linya na dahilan ng pagkakadikit-dikit ng mga ito. At sa pagkakadikit-dikit niyon ay siya namang dahilan ng mabilis niyang paglangoy.

Alam niyang bago para sa kanya ang kakayanan na ito, hinabol niya ang sirena. Nang sa wakas nakarating siya sa dulo naroon ang sirena, subalit hindi na ito gumagalaw.

Pakiramdam niya panaginip lang ang lahat para sa kanya, kakaiba ang gaan ng katawan niya sa bawat kilos niya. Kapag nanaginip kasi siya halimbawa na lang ay tumatakbo— ang nagiging pakiramdam niya ay parang lumilipad siya. Kapag gusto naman niyang maging matulin sa kanyang pagtakbo— nagiging matulin at para bang hindi man lang sumasakit ang mga binti niya. May pagkakataon din na nananaginip siya na lumilipad at walang kahirap-hirap para sa kanya. Pero Isang bagay lang ang hindi niya maintindihan, dahil matapos ang tila walang pakiramdam na panaginip. Kinabukasan kapag mulat na siya doon niya nararamdaman ng matinding sakit mula sa magdamag na pagkakahimbing.

"Bakit mo pa ako pinaghabol, kung ibibigay mo rin pala sa akin?" usisa ni Edwin sa sirena na walang buntot.

Ngumiti ito sa kanya, "Para subukin ka!" wika nito at saka tinanggal ang puting kristal na dinikit pa nito sa sariling balat.

"Paano namin magagamit ang bagay na 'to?" wika ni Edwin.

Napa-ismid ang sirena at tila nagtataka, "Akala ko nais mong makuha ang mutya dahil alam mo na ang 'yong gagawin?" nagtatakang wika ng sirena.

Tres Amigo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon