17 (SPG)MANGALINA AT BARYO MARIPAS

6 0 0
                                    

Ep 17

Nag-aapoy man ang buong paligid dahil sa kagagawan ng bakunawa na si Serpintin. Bilang nilalang na may porsyento ng pagiging tao, hindi niya kayang pigilan ang kasamaang taglay ng dragon. Nang mga sandaling iyon, tanging mga nilalang na may kakayahan na lumikha ng apoy lamang ang namumuhay. Lahat ng mga tao ay nagsimatay na ganoon din ang mga hayop. Ngunit may mga lugar na tila binabantayan ng bathala at hanggang sa sandaling ito ay hindi pa rin nasisira ng bakunawa.

Una, ang baryo ng Amadeo. Kung saan nakatira ang kanyang mga pamangkin.

Ikalawa ang baryo ng Sinukuban. Kung saan nakatira ang mga diyos at diyosa ng iba't ibang yaman ng kalikasan.

Ikatlo ang tagong baryo ng mga aswang sa San Alfonso.

Ika-apat baryo Liwanag, kung saan nagsasanay ang mga nakatandang hari ng ibang mundo.

Ika-lima ang baryo ng Maripas, wala nang tao subalit napapalibutan ng kapangyarihan ni Mangalina kung kaya't nanatili pa din itong tahimik at maaliwalas.

"Kumusta, baryo Maripas?" sambit ni Mangalina.

"Ang ganda mo'y hindi kumukupas! Sabik na sabik na ako sa 'yo! Gustong-gusto ko ulit manirahan dito kasama ng aking asawa!" wika ni Mangalina.

Habang nasa pinaka-dulo ng bangin, nakikita niya roon ang mga bahay na nakasabit sa mismong bato. Maganda ang tanawin, matibay instruktura, lahat ng mga bahay ay nagsisilbing kulay ng lugar na iyon, at sa ibaba naman ay isang malalim na ilog na ang haba ay hanggang sa bundok pa ng Sundah patunggong ilog Ethyl. Kung ihahalintulad ito sa ibang lugar ang haba nito ay parang great wall ng China.

Walang makakatalo sa ganda ng lugar na ito at sa pagkakataong ito hindi masisira ng kahit na anong delubyo ang limang baryo na nabanggit. Sapagkat ito ay silyado at protektado ng kalikasan at mga taong may kakayahan na protektahan ito.

"Mangalina, kumusta ka? Masaya ka ba? Ayos ka lang ba?" tinig ng kanyang ama.

"Ama!" wika ni Mangalina sa kanyang ama.

"Hindi ka pa din nagbabago ama, matipuno ka pa din at talagang kagalang-galang." wika ni Mangalina.

Mapait na napangiti ang babae, hindi niya inaasahan ang sunod na sasabihin ng kanyang ama.

"Kaya ba binenta mo ang kaluluwa namin ng asawa ng kuya mo, para muling mabuhay ang aawa mo? Hindi ka ba nakokonsensiya anak sa ginawa mo?" wika ng heneral ng digmaan at dakilang manghuhula.

"Ama," naputol na wika nito. Nang sandaling iyon bigla na lang tumulo ang luha ni Mangalina.

Hinigop na ni Serpintin ang kaluluwa ng kanyang ama at nagsilbing apoy sa paligid ng dragon. Ngunit isang tinig ang kanyang narinig, pamilyar ito at nanginig ang kanyang mga tuhod ng masilayan muli ang asawang matagal nang nawalay sa kanya.

Bumaha ang luha sa mga mata ni Mangalina at mahinang sinambit ang kanilang tawagan, "Sinta ko!" napaluhod siya dahil sa matinding tensiyon at saya na nadarama.

"Sinta ko!" tawag ng kanyang asawa. Nilapitan naman ng lalaki si Mangalina at pinunasan ang kanyang luha.

Panandalian lamang ang sayang naramdaman ng dalawa, dahil mayamaya lamang ay napagtanto na ng lalaki na tila iba na ang kanilang kapaligiran. Napatingala ito sa langit at ganoon din sa paligid ng Maripas.

"Nasaan na ang mga tao? Bakit ganiyan ang nasa langit? Nasaan ba tayo?" sunod-sunod na usisa ng asawa ni Mangalina. Subalit wala siyang maisagot. 

Natatakot siyang baka lumayo ang asawa niya sa oras na malaman nito ang lahat ng kanyang ginawa, hindi niya masabi kung malalaman ba ng mga namatay na tao na namatay na sila noon. Nagsisimula na siyang mangamba na baka malaman ng kanyang asawa ang sa totoong sitwasyon nito.

Tres Amigo [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon