Chapter 4

117 15 0
                                    

Walang inaksayang oras ang anim na magkakapatid na Hunger Dark Wolves at mabilis na sinugod ang kinaroroonan ng binata.

Agad namang hinanda ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng fighting stance. Seryoso na ang labanang ito at masasabing tumalino nga ang mga ito. Namangha rin ang binatang si Van Grego sa kakaiba ngunit napakapambihirang skill ng Halimaw na Hunger Dark Wolves dahil nakakapagsalita at nakakapag-isip ang mga ito. Ano pa ba ang aasahan ng binata, sinabihan na siya ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na hindi basta-bastang panganib ang naghihintay sa kaniya sa loob ng bulubunduking lugar na ito lalo na sa mismong pagsuong ng lugar at pagtahak ng daan rito. Ang lahat ng bagay o buhay na nasa loob ng lugar na ito ay pawang kakaiba at nakakamangha.

Naunang nakapunta sa pwesto ng binata ang babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves.

"Hindi ko aakalaing ako ang mauunang pumaslang sa iyo binatang tao hyahhhh!!!!" Sambit ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves habang nakalahad ang mahahaba at matutulis na mga kuko nito sa ere. Walang itong inaksayang oras pa at mabilis nitong sinugod ang binatang si Van Grego.

Rrrr...

Tila bang parang napunit naman ang hangin at mabilis na lumitaw sa mukha ng binatang si Van Grego ang nagtutulisang mga kuko ng babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves ngunit mabilis namang inilagan ito ng binatnag si Van Grego sa pamamagitan ng pagbend ng katawan nito upang siya madali ng babaeng halimaw na umaatake sa kaniya.

"Hmmmp! Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong atakehin ako ng simpleng pagkalmot mo." Sambit ng binatang si Van Grego habang may mapanghamak na tingin sa babaeng halimaw na Hunger Wolves na nakalampas sa pwesto nito kanina dahil sa pag-ilag ng binatang si Van Grego.

Maya-maya pa ay naramdaman ng binatang si Van Grego na mayroong panganib sa kaniyang likurang bahagikung kaya't mabilis siyang lumundag paitaas.

Sakto namang titisurin siya ng halimaw sa pamamagitan ng pagsipa nito ng paa ng binata ngunit nahuli na ito sapagkat hindi na nito inaasahang lumundag paitaas ang binatang si Van Grego.

"Kainis kang binatang tao ka, hindi ko aakalaing mararamdaman mo ang aking pasimpleng atake." Inis na sambit ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolves kung saan ay nakatingala ito sa ere.

Imbes na pakinggan siya ng binatang si Van Grego ay hindi siya nito tiningnan.

Nagulat na lamang kasi ang binatang si Van Grego nang biglang lumitaw ang isa pang babaeng halimaw na Hunger Dark Wolves sa kaniyang harapan habang nakaposisyon na pala itong sipain siya.

Ang tanging nagawa na lamang ng binatang si Van Grego ay ipag-ekis ang kaniyang sariling dalawang braso para pigilan ang nasabing pag-atake.

Ngunit dahil sa bilis ng pangyayari ay mabilis na tumalsik ang binatang si Van Grego pailalim.

Nagpaikot-ikot naman ang binatang si Van Grego habang nakita niyang nakahanda na ang isang lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniyang pagbabagsakan.

Agad na naglaho ang binatang si Van Grego at lumitaw siya sa harapan ng nasabing halimaw at mabilis niyang hinigpitang mabuti ang leeg ng lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf.

"Mamaalam ka na sa mundong ito!" Sambit ng binatang si Van Grego habang nakatingin sa lalaking halimaw na Hunger Dark Wolf.

Bago pa makareact ang iba pang mga halimaw ay mabilis na pinilipit ng binatang si Van Grego ang leeg ng nasabing halimaw.

Creackkk!

Isang malutong na tunog ng pagkabali ng leeg ang maririnig sa kinaroroonan ng biantang si Van Grego.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon