Chapter 7

121 15 0
                                    

"Hmmmp! Sinuwerte ka lang halimaw! Napakahina? Sabihin mo yan sa sarili mo!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kalmadong boses. Hindi niya hahayaang maaapi lamang siya ng mga salita nito. Sino ba naman kasi ang magsasabi ng sariling kasalanan nito o maski ang salitang swerte o malas.

Halos napanting naman ang tenga ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolves. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng tao.

"Tsk! Hindi ko aakalaing mayroong isang mahinang nilalang ang naglalapastangan sa sarili naming teritoryo. Hindi ko maipagkakailang may lakas at abilidad kang nagpamangha sa akin ngunit ang iyong talento o kakayahan ay hindi ganoon kalakas o kaideal para sa katulad namin. Hindi ko aakalain kung saan ka humuhugot ng lakas na laitin kami. Itong sayo!" Sambit ng nakakatandang halimaw na Hunger Dark Wolves. Mas nainis siya ngayon sa pag-uugaling ipinakita sa kaniya ng binatang mula sa lahi ng tao. Hindi maaaring hindi niya turuan ito ng leksyon at hayaan na lamang.

"Hahahaha... Mahina? Ikaw lang naman ang mahina o mas magandang sabihin ang pamilyang pinagmulan mo at ang katulad mong lahing mga Hunger Dark Wolves. Nabubuhay lamang kayo sa takot na mula sa mga biktima niyo o kung paano niyo sila brutal na paslangin at walang awang kainin. Sa sinasabi mong mahina ay hindi miyo alam kung ano ang basic terms para itawag sa inyo. Mahina? Kayo anng tunay na mahina. Gagawin ang lahat para lamang paslangin ako? That's ridiculous! Lumaban ka ng patas o baka aasa ka na naman sa kapatid mo? Hahahaha!!!!" Kalmadong sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang kakaibang impormasyong gusto nitpng ipahiwatig. Ipinapanalangin niya na "sana ay kumagat ang halimaw na ito sa inihanda niyang sirpresa.

Dahil sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego ay halos magliyab ang puso nito sa labis na galit at pagkasuklam sa binatang tao na nagngangalang Van Grego. Mabilis din itong nagwika.

"Hahahaha...good. Hindi ko aakalaing mayroon kang lakas ng loob na sabihin iyan sa akin? Kung hindi mo alam ay mas malakas ako kahit kanino o kahit sa mga pipitsuging mga kapatid namin. Para patunay naas malakas ako ay lalaban kita sa lugar na ito. Sa isang katulad mo lamang ay masasabi kong napaka-cheap mo! Porket pumabor lamang ang sitwasyon ay masyado kang nagsasaya." Sambit ng panganay na halimaw na Hunger Dark Wolves. Nakakainsulto para sa kaniya ang sinabi mismo ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Sino na naman kasi ang hindi magagalit o maiinis sa binatang tao na ito kundi ang nakakarinig ng mga bagay na nasa bibig nito. Para sa kaniya ay napakatabil ng dila nito.

Napatahimik naman kani-kanina pa ang nakababatang kapatid ng Fighter Duo na ito na mula sa lahi ng halimaw na Hunger Dark Wolves. Hindi niya lubos na maisip na ayaw niya sa pag-uugali ng binatang si Van Grego. Pero nang maisip nito ang kaniyang sariling kapatid ay alam niyang hindi maganda ang kutob niya sa mapanlinlang na binatang mula sa lahi ng mga tao. Sino ba naman kasi ang maniniwala rito sa sinasabi nito. Nakikita niya ang odd things na biglang sinasabi ng binatang mula sa lahi ng tao lalo na sa paraan ng pagsasalita nito at makahulugang mga tingin nito na nag-iba rin. Tila ba ang binatang mula sa lahi ng tao na napakainosente o napakababaw lamang niya kung tingnan kanina ay tola ba mayroong kakaibang balak sa pangyayaring ito kung saan ay nakikita niyang masyadong kahina-hinala.

"Ngunit kuya, huwag kang magpadaig sa binatang mula sa lahi ng tao na iyan. Wag mong patulan ang hamon ng binatang iyan sahil lamang sa sinasabi nito. Sa mga tingin niya na halos puno ng kahina-hinala at masyadong mataas ang Cultivation Level nuto. Ano'ng --------?!" Sambit ng nakababatang kapatid na mula sa lahi ng Hunger Dark Wolves dahil naniniwala siya na ito ay tila hindi maaaring maging practical at wise decision ang sinabi nito lalo sa pagtanggap ng hamon nito sa kalabang biantang mula sa lahi ng tao na nagngangalang Van Grego. Hindi na siya nakapag-isip pa nang bigla siyang patigilin sa pagsasalita nang kaniyang sariling kapatid.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon