Chapter 11

82 12 0
                                    

Napakalapit ng binatang si Van Grego kung saan ay mabilis siyang umupo ng maayos upang magcultivate. Hindi ng natural na enerhiya sa paligid na Heaven and Earth Qi kundi ang nakakalat na Fire Energies sa paligid niya.

Agad niyang binuksan ang lahat ng kaniyang mga pores sa katawan. Tila ba naramdaman ng binatang si Van Grego na ang mga Tiny red lights na nakikita niya na parang dots dots sa ere ay mga fire energies pala ng Tiger Crest Sacred Fire.

Dito ay ipinikit ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling pares na mga mata at matiyagang nagcultivate.

Naramdaman ng binatang si Van Grego na ang mga fire energies na nakikita niya sa paligid ay biglang pumaroon sa kaniya habang mabilis itong pumasok sa loob ng maliliit na pores sa balat ng binata.

"Ang init Ahhhhh!!!!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan habang nagtatagis ang mga ngipin nito. Ramdam na ramdam nito ang pakiramdam na tila napapaso ang buo niyang katawan dulot ng pagpasok ng maliliit na fire energies sa loob ng kaniyang sariling pores sa balat habang unti-unti itong dumaloy papunta mismo sa 360 acupuncture points niya sa loob ng kaniyang katawan papunta sa kaniyang dantian.

Todo inda naman ang binatang si Van Grego sa hapdi at sakit na nararamdaman ng kaniyang buong balat. Tila ba dinaananan ang bawat pores niya ng milyong-milyong mga maiinit na karayom. Tagos sa buto ang sakit ngunit pinilit niyang ituloy ang ganitong klaseng paraan ng pagcucultivate.

Mabuti na lamang at mayroon siyang Alchemy Sacred Fire dahil kung hindi ay baka nagkasunog-sunog ang kaniyang sariling balat at magkaroon ng malalang mga pinsala rito. Kumpara sa mga martial artists na walang alchemy fire at sinubukang makaobtain ng ganitong klaseng mga attribute ng mga apoy ay hindi sila nag-uumpisa sa mataas na lebel ng apoy kundi sa pinakamababang uri ng apoy hanggang sa pataas ng pataas na klase ng apoy. Mas doble o triple pa ang sakit na kanilang nararamdaman at mas mahirap ang merging process na gagawin nila sa mga apoy sa kanilang katawan. Dahil kapag nagkamali lamang sila sa pagproseso ng apoy sa loob ng kanilang katawan at hindi nila ma-stabilize ang mga ito ay maaaring magkaroon ng masamang pangyayari sa kanila. Masusunog ang dantian nila o sasabog ang buo nilang katawan na siyang magreresulta ng kamatayan. Ito ang karaniwang nangyayari sa mga ito kapag hindi sila nag-iingat. Maging sa katulad nilang may Alchemy Fire na taglay ay maaari ding mangyari sa kanila ang mga ito maging sa Fire Attribute na mga Martial Beasts o alinmang mga nilalang kung hindi nila inaalam ang kanilang limitasyon.

Iwinaksi ng binatang si Van Grego ang mga negatibong kaisipang ito at nagpokus lamang sa kaniyang ginagawang pagcucultivate kung saan ay naging maayos naman ang naging takbo ng proseso ng pagcucultivate ng fire energies na nakakalat sa paligid.

Ramdam ng binatang si Van Grego na habang papatagal ay nagiging bearable na ang sakit ng pagpasok ng mga fore energies sa lahat ng kaniyang mga pores sa katawan kung saan ay makikitang halos naging doble na ang pagdaloy ng mga fire energies sa kaniyang katawan.

Makikitang naeenjoy ng binatang si Van Grego ang pagcucultivate nito habang nito alintana na nagkakaroon na ng pagbabago sa kaniyang sariling katawan kung saan ay masasabi mong nakakamangha talaga.

Ang kaniyang sariling pores sa balat ay tila ba mas nagkaroon ng mga buhay at makikitang nagiging vibrant ang color nito at hindi maputla. Tila mas naging jade like yung balat ng binatang si Van Grego kahit na nakaupo lamang ito at balot ang katawan nito ng kaniyang suot na asul na roba.

Hindi naman nabubutas ang parte ng roba ng binatang si Van Grego at hindi naman iyon kapansin-pansin dahil maliliit lamang ang mga fire energies at napakapuro pa nito na siyang mayaman sa fire attribute. Tila nakakamangha talaga ito dahil ang mas naging flexible at durable ang balat ng binatang si Van Grego ngunit hindi nito pansin ang ilang pagbabago ngunit maaaring mayroon pang ibang nagbago o nag-improve sa parte ng katawan nito dahil maaaring maging malakas pa ang taglay nitong fire attribute habang tumatagal.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon