"Tunay ngang mainipin ang mga halimaw na Hunger Dark Wolves kung saan ay hindi ito magpipigil na unang umatake sa bibiktimahin nito." Sambit ng binatang si Van Grego. Tunay na kakaiba ang instinct nang nasabing halimaw na Hunger Dark Wolves dahil kilala ito sa mapamuksang atake nito na napakaagresibo. Nakita pa kasi nito na naglalaway pa ito. Nakadiring makita ngunit kung di siya mag-iingat ay siya rin ang mapapaslang nito.
Agad namang tiningnan ng binata ang kaniyang sariling kaliwang kamao habang hinawakan niya ito habang nakasuot rito ang kaniyang gauntlet na siyang pambihirang armas niya na tinatawag na God Slaying Gauntlet kung saan ay hinaplos-haplos pa nito ng kaniyang kanang kamao habang nakakuyom ang nasabing kaliwang kamay niya.
Whooosh! Whooosh! Whooosh! Whooosh! Whooosh! ...!
Tila ba mabilis na sumusugod ang halimaw na Hunger Dark Wolves sa kinaroroonan ng binata.
Agad namang sumugod ang binatang si Van Grego sa mga ito habang makikita ang kaseryosohan sa pangyayaring ito. Hindi niya hahayaang ito pa ang makahadlang sa kaniyang plano rito.
PAHHHH!!!!
Agad na sinuntok ng malakas ng binatang si Van ang mukha ng unang Hunger Dark Wolves.
BOOGGGSSSHHHH!
kung saan ay napatalsik naman ang unang halimaw na Hunger Dark Wolves ilang metro mula sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego.
Hindi pa nagtatapos ang laban ng binata ng sumugod sa kaniya ang pangalawang halimaw na Hunger Dark Wolves sa kinaroroonan niya at mabilis siyang inatake ng nasabing halimaw na Hunger Dark Wolves gamit ang nagtutulisang mga kuko nito na mayroong itim na enerhiyang naglalabas o lumalabas rito.
SLASH! SLASH! SLASH! ...!
Mabilis na nagpakawala ng napakaraming mga atake ang halimaw na Hunger Dark Wolves sa pamamagitan ng pagkalmot sa pwesto o kinaroroonan ng binatang si Van Grego ngunit mabilis itong maiwasan ng binatang si Van Grego sa pamamagitan ng paag-iwas rito habang umaatras siya.
Tila ba nakaramdam naman ng panganib ang binatang si Van Grego nang biglang tumalon ang pangatlong halimaw na Hunger Dark Wolves sa kinaroroonan niya kung saan ay siyang hindi inaasahan ng binatang si Van Grego.
Mabuti na lamang at mabilis siyang nakapagsagawa ng Skill.
Fire Creation Technique: Fire Shield!
Imbes na ang binatang si Van Grego mismo ang matamaan ay mabilis na nagmaterialize ang nasabing pananggang gawa mismo sa apoy kung saan ay ito ang tinamaan ng pwersa ng pabagsak na pangatlong halimaw na Hunger Dark Wolves.
BAAANNNGGGGG!!!
Mabilis namang nawasak ang nasabing pananggang gawa mismo sa apoy ng binatang si Van Grego.
Bago pa man kasi sumabog ang panangga gawa sa apoy ay napatalon ng paatras ang binatang si Van Grego at nag-back flip mismo para hindi ito matamaan sa pagsabog.
Ang pangatlong halimaw na Hunger Dark Wolves ay bigla na lamang tumalsik ilang metro matapos ng nasabing pagsabog. Hindi naman kasi simpleng apoy ito sapagkat mayroong Alchemy Fire at apoy ng Red Dragon Fury ang nasabing Fire Shield. Kinontrol ng binatang si Van Grego ang nasabing mga apoy para kusang sumabog at magpakawala ng destructive properties ang nasabing Fire Shield.
Hindi pa natatapos diyan ang kalbaryo ng binatang si Van Grego dahil sumugod ang ikalima at ikaanim na Hunger Dark Wolves sa kinaroroonan niya.
Ang nasabing halimaw ay sabay na inatake ng mga ito ang binatang si Van Grego sa pamamagitan ng kanilang mga nagtatalimang mga kuko. Ang isang halimaw ay sa kaliwang bahagi ng kamay nito at ang ang isa naman ay nasa kanang bahagi ng kamay nito nakatuon ang kakaibang enerhiyang kulay itim na biglang tumipon sa loob ng mga kamay ng mga ito.
"Hmmmp! Masama ito, dalawang parehas na technique ang isinagawa ng halimaw na ito. Akala nila ay mapapaslang nila ako sa simpleng tricks ng mga ito, hmmmp!" Sambit ng binatang si Van Grego nang makita niya ang ganitong klaseng atake ng halimaw na Hunger Dark Wolves.
Gamit ang kaliwang kamao ng binatang si Van Grego ay mabilis niyang sinugod ng harapan ang dalawang halimaw na Hunger Dark Wolves at mabilis siyang naglaho.
Hindi inaasahan ng halimaw ang paglaho ng binatang si Van Grego kung saan ay bigla lamang itong lumitaw sa kaliwang bahagi ng halimaw at mabilis na sinuntok halimaw na Hunger Dark Wolves sa bahaging tiyan nito gamit ang kaliwang kamao ng binata na suot ang God Slaying Gauntlet kung saan ay mabilis na gumuhit sa mukha ng mabalahibong nilalang na Hunger Dark Wolves ang sakit ngunit huli na para bawiin ang atake ng mga ito dahil mabilis nitong nadamay sa pagkakabuwal ang isa pang halimaw na Hunger Dark Wolves na kasabay nitong umatake.
BAAAANNNNNNNGGGGGG!!!
Mabilis na tumilapon ang mga ito ng ilang metro at sumabog pinagbagsakan ng mga ito na nagdulot ng napakakapal na usok.
Sumugod muli sa kinaroroonan ng binatang ang naunang dalawang halimaw na Hunger Dark Wolves sa kinaroroonan ng binata at nang makalapit na ang mga ito sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego ay mabilis na inatake ng mga ito ang binata sa pamamagitan ng pagkalmot ng mga ito gamit ang naghahabaan at nagtutulisang mga kuko ng mga ito.
Ssszzzzzz.... Ssszzzzzz... Ssszzzzzz... !
Tila ba sa kasalukuyan ay mas lumakas ang paggawang pagkalmot na atake ng mga halimaw na Hunger Dark Wolves sapagkat ang kanilang atake ay halos mapunit nito sa dalawa ang hangin sa sobrang bilis ng galaw ng mga kamay ng halimaw na Hunger Dark Wolves.
Tiyak ang binatang si Van Grego na hindi simpleng bagay lamang ang maaaring mangyari kung hindi siya mag-iingat sa mga ito. Ang magiging pag-atake kasi ng mga ito ay sobrang agresibo ngunit nasasabayan ito ng binatang si Van Grego. Sa bawat paggalaw ng mga kamay ng halimaw ay nahahawi nito ang hangin maging ang mga ito ay tila ba hinihila nila o dinadala ng mga ito ang binatang si Van Grego sa isang korner o bahagi ng lugar. Nakaramdam ng kakaiba ang binatang si Van Grego sa naging kilos ng halimaw. Kung ganoon man ay natatabunan ng mga ito ang layuning paslangin ang binatang si Van Grego gamit ang nagtatalimang mga kuko ng mga ito.
Agad na inobserbahan ng binatang si Van Grego ang dalawang halimaw na umaatake sa kaniya at mabilis siyang nakahanap ng tiyempo at makahulugang ngumisi.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]
FantasyLots of things happen in the adventure of a 16-year old Van Grego. He is now inside of Tombstone Battlefield wherein he stumbles upon different kinds of creatures that bring suprises and terrors to Van Grego. Upon discovering what kind of hidden wor...