Chapter 10

85 15 0
                                    

Kumalma naman ang nakababatang kapatid na Human Demon. Nalaman niya rin sa pag-uusap nila ang patungkol sa Slave Bracelets na nakalagay sa parteng binti at ang sa kapatid niya ay nasa braso nito.

Mahirap mang intindihin ang sitwasyon nila ngunit naiipit sila sa mas mahirap na sitwasyon lalo hawak sila sa leeg ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Yung tipong konting maling paggalaw lamang nila ay tiyak na hindi niya alam kung ano'ng masamang gagawin sa kanila ng binatang mula sa lahi ng mga tao.

"Kung gayon ay wala tayo maaaring gawin kundi ang maghintay ng tamang pagkakataon hindi ba aking kapatid?! Hindi lamang tayo magiging makapangyarihan kundi malalaman pa natin ang Human nature ng taong ito. Tiyak akong may sikreto itong tinatago sa atin hehehe!" Sambit ng nakakatandang Human Demon Race. Tiyak siyang maraming lihim na tinatago ang binatang tao na ito.

Maya-maya pa ay napatigil lamang ang pag-uusap ng magkapatid na Human Demon na ito nang magsalita ang binatang si Van Grego.

"Ako ay si Van Grego, ang nais ko lamang ay malaman niyong ang aking sarili at ang aking hangarin. Gusto ko lamang na maglakbay patungo sa loob ng bulubunduking lugar na ito. Ano ba ang pangalan ng lugar na ito?! Mayroon pa ba kayong ibang mga lahi rito?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang nakatingin ng palipat-lipat sa dalawang magkapatid na Human Demon.

"Ako si Korr Nilvan na siyang nakakatandang kapatid sa amin. Nasa Human Demon Hunting ground ang lokasyon natin. Napakarami ng lahi rito. Mahihiya lamang ang isang katulad mo." Sambit ni Korr Nilvan ng seryoso.

"Ako naman si Kritt Nilvan na siyang nakababatang kapatid nito. Total ay hindi mo alam ang lugar o lokasyon mo ay siguradong maliligaw ka rito. Ang Human Demon Hunting Ground ang pinakasikat na hunting ground ng teritoryo namin. Hindi lamang iyon dahil dahil mayroong mga iba't ibang mga lugar na teritoryo ng iba't ibang nilalang kagaya ng mga tao at ibang mga Hybrid Cultivators." Sambit ni Kritt Nilvan habang makikita ang mapanghamak na tingin. Tila ba nakikita niya ang binatang tao na ito na tila napakaignorante nito.

"Kung gayon ay may mga tao din pala dito este saan pala pwedeng sumakay papunta sa Human Territory dito?! Mayroon bang paraan para makapunta roon?!" Seryosong sambit ng binatang si Van Grego. Tila nabalot ng kagalakan ang puso ng binatang si Van Grego.

"Makapunta doon?! Para ano pa?! Para ihatid ka?! Nagpapatawa ka ba?" Sambit ni Korr Nilvan habang nakatingin ito sa binatang si Van Grego.

"Okay, edi hayaan niyo na lamang akong mapaslang ng mga ibang mga tao rito. Gusto niyo ba yun?!" Simpleng sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang pangongonsensya nito.

Naningkit naman ang pares na mata ng dalawang magkapatid na Human Demon sa sinabi ng binatang tao na ito.

"Hindi ko aakalaing napakatuso mo binatang tao. Pwes, panalo ka ngayon binata pero wag mong lubusin ang swerte mo dahil sa oras na magkita tayong muli ay sisiguraduhin kong mapapaslang ka namin!" Sambit ng nakababatang kapatid na Human Demon Race na ito.

Gamit ang kaalaman ng Dalawang magkapatid na HumanDemon Race ay agad silang naglakbay patungo sa nasabing ruta at direksyon papunta mismo sa lugar ng mga tao.

Habang naglalakbay ay tila malalim ang iniisip ng binatang si Van Grego.

"Hindi maaari ito, bakit naman parang nagsisinungaling sa akin ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python na iyon?! Bakit nila ako pinapunta rito kung ang sinabi ng mga ito ay hindi naman lahat totoo." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Hindi naman siya naniniwala na gusto siya ng mga ito na i-trap sa mismong lugar na ito dahil kusa naman siyang pumasok rito.

Sa paglalakbay nila ay masasabi ng binatang si Van Grego na halos wala namang gaanong halimaw silang nasasagupa at napapaslang naman agad ito ng dalawang magkapatid na Human Demon Race. Napakabrutal ng mga ito kung pumaslang ng mga nilalang.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon