Chapter 19

107 16 0
                                    

Agad na inayos ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili at tiningnab ang kaniyang nasabing natamong pinsala.

Nakalmot kasi siya ng nasabing halimaw na Flying Black Hawks sa braso ng tatlong mahahabang kuko nito kung kaya't medyo may kalaliman ang natamo nitong sugat sa braso.

Tila umagos naman ang masagang dugo ng bibatang  si Van Grego sa sugat nito mismo. Tila umabot pa ito sa bandang likod niya ngunit hindi naman siya nagtamo ng malalang sugat. Hindi din kasi fatal ito kung tutuusin at wala namang kasamang lason ang mga matatalas na mga kuko ng mga Flying Black Hawks dahil hindi naman ito ang totoong pang-atake ng mga ito.

Mabilis namang nahanap ng mga ito ang pinagtataguan ng binatang si Van Grego kung saan ito nagpagulong-gulong.

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

Scrrrrreeeccccccccchhhhhhhhh!!!!!!

...!!!!!!!!!

Tila nag-iba ang huning inilalabas ng nasabing mga halimaw na Flying Black Hawks.

"Peste, mukhang gusto na nila akong paslangin. Masama ito!" Sambit ng binatang si Van Grego habang pinipilit nitong pakalmahin ang kaniyang sarili. Hindi kasi magandang magpadalos-dalos lamang siya. Medyo may kalakihan din kasi ang tila bawat sulok ng nasabing bridge at maaari siyang magtago pansamantala rito.

Dahan-dahan namang gumapang ang binatang si Van Grego paabante para sumulong siya kahit papaano. Hindi kasi maaaring lumaban siya habang umaagos pa ang dugo ng kaniyang natamong sugat kanina. Magiging hadlang lamang ito kung sakali at magiging agresibo pa lalo ang mga halimaw na ito na paslangin siya. Sensitibo kasi masyado ang mga ito kapag nakakita ng dugo mula sa bibiktimahin pa lamang nila.

Palayo na ng palayo ang binatang si Van Grego sa kaniyang pwesto kanina nang biglang....

BAAAAAAAANNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Isang malakas na pagsabog ang biglang nangyari sa kinaroroonan niya kanina kung saan ay nasira ang gilid na bahagi nang nasabing malaking tulay. Nagkapira-piraso ang malaking hawakan ng nasabing tulay na ito sa gilid at ang ibang mga piraso ng tulay ay nalaglag. Ni hindi nga nagkaroon ng tunog ang pagkakalaglag ng malaking tipak ng bato o kung anong klaseng materyales ang ginamit dito.

"Muntik na ko doon ah. Napakatuso at napakaagresibo talaga ng halimaw na Flying Black Hawks na ito. Tiyak akong hahadlangan nilà akong malagpasan ang tulay na ito at papaslangin nila ako ng tulyan hmmp!" Tila nay iritang sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin ang nasabing taktika nang nasabing mga halimaw na ibon. Masyadong brutal kasi ang pamamaraan ng mga ito kung saan ay  gagawin nila ang lahat para paslangin siya.

Mabilis siyang gumapang pa paabante habang ikinubli niya ang kaniyang sariling enerhiya para hindi siya matunton ng mga ito. Sensitibo din kasi ang tenga ng mga halimaw na mga lawing ito. Tila ba walang ligtas ang binatang si Van Grego kapag naglikha siya ng ingay.

Tumingala ang binatang si Van Grego at pansin niyang tila naghahanap  at sinusuri ng mga halimaw na Flying Black Hawks ang buong lugar na ito at hinahanap ang kinaroonan niya.

Limampong mga pares ng mga mata ng halimaw na Flying Black Hawks ang nagmamasid sa buong lugar. Isang maling galaw niya lamang kasi ay maaari siyang mapahamak sa gagawin niyang ito.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon