Matapos ang pangyayari sa labanan ay mabilis na nagtungo ang binatang si Van Grego papunta sa nasabing lugar na kung saan naroroon ang bulkan. Dinala niya rin ang nasabing mga napaslang niyang mga bangkay ng halimaw na Red Palm Bird. Masasabi niyang kanilang mga Blood Essence sa katawan ng mga ito ay maaaring gamitin niya upang maging puro ang kaniyang nakuhang Tiger Crest Sacred Fire nitong araw lamang. Mas malaki ang tsansang magtagumpay siya sa gagawin niyang ito.
Masasabi niya sa pagbalik niya sa nasabing lugar na bulkan na ito na defective ay sobrang timing lamang. Kaya pala ganoon na lamang kalawak ang ranges ng defective na bulkang ito ay dahil pala kapag sumabog ito ay tila umuulan ng mga nagbabagang apoy palabas ng bulkan at sa iba't ibang direkyon pumupunta ang mga apoy nito.
Tila ba natapos ang penomena nito nang hindi naman gaano katagal at masasabing maswerte ang binatang si Van Grego.
Tila ba isa itong lawa ng kumukulong mga magma ang nasabing lugar na ito. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang si Van Grego at lumutang siya sa ere at mabilis na pumunta sa mismong Tiger Crest Sacred Fire.
Nang makalapit siya rito ay agad niyang ibinato ang ang mga napaslang niyang mga halimaw na Red Palm Bird sa mismong parte ng mayroong Sacred Fire kung saan ay masasabi niyang napakapambihira talaga ng fire energies na naririto. Tila ba nasa sentro ito ng napakalawak na mga magma.
Agad niyang pinili ang mga Fire Attribute na mga Beast Cores at halos isang libo ang inilagay ng binatang si Van Grego dito. Talagang planado na talagan ito na mangyari mapalakas pa lalo ang kaniyang sariling Alchemy Fire at makontrol pa ito ng maayos.
Hindi pa diyan nagtatapos at muli na namang nilagyan ng binatang si Van Grego ng mga kakaibang at pambihirang mga Cultivation herbs ang nasabing Tiger Crest Sacred Fire na siya namang mabilis na humalo sa mismong Sacred Fire.
Walang sabi-sabing umupo ang binatang si Van Grego sa ere sa ibabaw ng nasabing Sacred Fire na ito na nasa gitna ng bulkan.
Binalot ng binatang si Van Grego ang kaniyang buong sarili ng kaniyang protective essence.
Dito ay mabilis na nakita nito ang kaniyang sariling nagcu-cultivate dito ng Tiger Crest Sacred Fire
Habang nagcu-cultivate ang binatang si Van Grego ay ramdam na ramdam niyang pumapasok sa kaniyang buong katawan ang nasabing mga fire energies maging ang mga sangkap na inilagay niya sa mismong Tiger Crest Sacred Fire na nasa ilalim lamang niya ay masasabi niyang naaabsorb niya rin ito.
Habang papatagal ng papatagal ay bumababa ang pagkakalutang ng binatang si Van Grego upang ihanda ang kaniyang sarili sa paglubog o paglusong sa mismong Tiger Crest Sacred Fire upang ma-obtain ang mismong pambihirang apoy na ito. Sa pamamagitan ng paglusong sa nagbabaga at napakainit na Tiger Crest Sacred Fire na ito lamang ay magiging embodiment at gagawing storage mismo ang katawan niya ng nasabing apoy at maaaring ma-store ang nasabing apoy sa dantian. Gusto niyang makuha ang apoy na ito upang palakasin ang kaniyang sariling apoy at makapagpataas na din siya ng kaniyang konsepto ng apoy na hanggang ngayon ay hindi pa nabababakasan ng pagtaas.
Unti-unting Lumulubog at nilulubog ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili sa napakainit na Tiger Crest Sacred Fire na ito sa sentro ng bulkan. Nakaramdam man ng ibayong init ang binatang si Van ngunit ramdam niyang hindi naman gaanong kagrabe o unbearable ang nasabing naglalawang apoy na ito.
Hanggang sa tuluyan ng lumusong ang buong katawan ng binatang si Van Grego at patuloy pa rin sa paghigop ng enerhiya ang kaniyang buong katawan kung saan ay masasabi niyang napakaganda sa pakiramdam.
Pakiramdam ng binatang si Van Grego ay tila nasa alapaap siya.
Ngunit nagkakamali ang binatang si Van Grego nang inaakalang ang lahat ng kaniyang pinlano ay naaayon sa kaniyang plano.
BINABASA MO ANG
ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]
FantasyLots of things happen in the adventure of a 16-year old Van Grego. He is now inside of Tombstone Battlefield wherein he stumbles upon different kinds of creatures that bring suprises and terrors to Van Grego. Upon discovering what kind of hidden wor...