Chapter 9

92 14 0
                                    

Hindi niya hahayaang maging sagabal lamang ang binatang lalaking mula sa lahi ng mgs tao sa pinaplano nila.

"Anong ibig mong sabihin Binatang tao?! Mayroon pa bang ibang lugar o mundo liban sa lugar na ito?!"sambit naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf. Eh wala naman siyang maisip na bagay-bagay lalo na at maraming tuso at mapanlinlang na nilalang sa lugar ns ito. Alangan naman na magsasabi siya ng mga bagay-bagay na wala namang katotohanan.

"Paulit-ulit?! Sinabi ko naman kanina pa na totoo ang sinasabi ko. Bakit ayaw mong maniwala sa akin. Ah oo nga pala, mas naniniwala ka sa mga mapanlinlang niyong mga magulang. Hindi ko aakalaing napakasalimuot pala ng kalagayan niyo." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego habang iniiba nito ang kanilang pinag-uusapan. Mabilis naman siyang lumayo ng ilang metro sa kinaroroonan niya kanina at nag-isip ng mga bagay-bagay. Hindi niya aakalaing napakahina pala ng memorya o pag-iisip ng mga ito. Nakalimutan niyang limitado lamang ang pag-iisip ng mga ito lalo na sa aspeto ng intelligent o patalinuhan maging sa pag-analisa sa mga bagay-bagay.

"Ano'ng napakasalimuot ka diyan?! Ito ang patakaran sa mundong ito. Ano naman ang alam mo. Sabi mo nga ay bagong salta ka lamang sa lugar na ito pero ang pag-uugali mo ay nakarating na sa ibang lugar at nakikitang parang pasyalan lamang ang lugar na ito para sa'yo."seryosong pagkakasabi naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinabi naman ng binatang mula sa lahi ng mga tao na si Van Grego. Hindi niya aakalaing kung iisipin niya ang obserbasyon niya sa binatang tao na ito ay masasabi niyang parang pook pasyalan ang lugar na kinaroroonan nila at sa anyo ng pakikipaglaban nito sa kanila ay tila ba ay mayroong kakaiba rito. Tsaka ano naman ang alam at pakialam nito sa uri ng pamumuhay nila dahil unang una pa lamang ay hindi sila close at pangalawa ay hindi rin sila magkadugo. Ang pamamaraan ng pamumuhay nila ay masasabi niyang kakaiba at dapat ay mayroon kang ekstraordinaryong lakas at abilidad para mangyari ang gusto nilang mangyari sa kanilang uri ng pamumuhay.

Maya-maya pa ay nagsalitang muli ang binatang si Van Grego dahil sa sinabing ito ng halimaw na Hunger Dark Wolf.

"Alam ko naman iyon eh ngunit sa labas na mundong tinutukoy mo na lugar na ito ay mas mahirap ang mabuhay doon. Maraming lugar na akong napuntahan ngunit ito ang kauna-unahang lugar na masasabi kong mas may buhay at mayroong masalimuot na pamamaraan upang mabuhay." Kalmadong sambit ng binatang si Van Grego ngunit makikita ang lungkot sa boses nito. Hindi niya alam kung ano ang klase ng pamumuhay meron ang lugar na ito at tila ba nakikita niyang napakasalimuot at napakalala ng mga patakaran ng mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang binatang si Van Grego sa kaniyang sarili.

"Hahahaha... Nagpapatawa ka talaga. Hindi nga kami nakarating sa dulo ng mundong ito tapos sasabihin mong may hangganan ang lugar na ito?!"

"Paulit-ulit na lamang tayo rito. Kung mararating ko ang exit ng bulubunduking lugar na ito ay mapapatunayan kong totoo ang aking sinasabi. Ayaw pang maniwala eh."

"Talagang hindi ako maniniwala. Kung inaakala mong maliit ang mundong ito ay nagkakamali ka. Napakalawak ng lugar na ito na hindi mo aakalain ang malaking sukat nito. Nabagok siguro ang iyong utak at ganyan ka magsalita hmmmp!" Sambit naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf habang tinitingnan ang binatang grabe kung magsalita.

"Ano'ng nabagok ka diyan. Napakalawak?! Tingin mo ba ay maniniwala ako sa'yo? Talagang inaakala mong mapipinsala niyo ko ng kapatid mong fighter duo sa lahing pinagmulan niyo ay pwes nagkakamali ka. Mas malakas ata ako sa inyo!" Sambit naman ng binatang si Van Grego. Pinandilatan niya ng mata ang halimaw na Hunger Dark Wolf. Hindi siya natatakot rito lalo pa't hindi na siya magagalaw ng mga ito kahit ano man ang gagawin ng magkapatid sa kaniya. Kaya niya namang protektahan ang kaniyang sarili laban sa mga ito o sa mga nilalang na maaaring makalaban sa parehong lebel liban na lamang kung sobrang napakalakas ng mga nilalang ang masasagupa niya

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon