Chapter 8

88 15 0
                                    

"Anong sinasabi mo binatang tao?! Hindi ko naintindihan ang iyong sinasabi. Saan ba kami pumalpak ha? Isa ka lang namang taong napakahina. Talagang ang pagiging tuso niyo lamang sa sitwasyon ang maaari niyong panlaban at hindi ang sariling lakas hahaha!!!!" Tila nanghahamak na sambit naman ng nakakatandang halimaw na Hunger Dark Wolf sa binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego.

"Nagsabi ang hindi. Kahit anong gawin niyo ay natalo ko kayo hahaha... Sino'ng mahina sa atin ngayon?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na kumpiyansa sa kaniyang sarili. Hindi niya aakalaing napakatigas ng puso ng mga ito sa mga katulad niyang nilalang na mula sa lahi ng tao.

Napatahimik na lamang ang nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf na isa sa mga fighter duo ng kanilang lahi.

Ngunit nagulat na lamang ito nang bigla na lamang nagkaroon ng isang metal bracelet ang kamay nito at nakita niyang ang walang malay niyang nakababatang kapatid ay ganoon din ngunit nasa binti ito.

"Ano ang bagay na ito binatang tao?! Alisin mo ang bagay na ito!" Sigaw ng nanghihinayang nakakatandang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolf. Tila ba nanghihina pa rin siya hanggang ngayon habang pilit na kinukuha at inaalis ang metal bracelet sa kaniya.

Halos magkandasugat-sugat naman ang baalt nito sa bandang palapulsuhan habang hindi pa rin ito tumitigil sa pagtanggal ng bagay na ito.

"Hindi ko tatanggalin ang bagay na iyan sa inyo. Hindi maaaring mapahamak lamang ako at hindi ako makakapagbenepisyo sa paglaban ko sa inyo. Hindi maaaring mawala lamang sa wala ang paglalakbay ko sa loob ng lugar na ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na kaseryosohan sa boses nito. Hindi naman siya materyalistikong tao para magkaroon ng benepisyo sa mga bagay-bagay lalo na at ayaw niyang nang-aapi o nagpapaapi. Hindi niya rin gustong lumamang o magpalamang sa kalaban. Parang neutral lamang siya at hindi siya yung tipong nagtatanim ng galit sa kaniyang puso o maging ang kaisipan na magalit sa kaniyang kapwa ay labis niyang iwinawala. Pero isa siyang Wandering Cultivator na gusto lamang maglakbay, sumuong sa mga delikadong misyon at sitwasyon ngunit seryoso niyang pinagpaplanuhan ang mga bagay na ito ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari ay talaga namang dapat niyang pagganahin ang pagiging wais at pagiging praktikal niya nang sa ganon ay mas lalaki ang posibilidad na makalagpas siya sa mga problemang kinakaharap niya lalo na sa kasalukuyan.

"At bakit naman hindi? Tanggalin mo ang bagay na ito. Malamang ay ikaw lamang ang makakatanggal nito. Ano sa palagay mo ang ginagawa mo binata?! Ano ang ibig sabihin mo sa huling pangungusap na sinabi mo?!" Sambit naman pabalik ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf habang makikita ang iritasyon sa boses nito.

"Simple lamang ang nais kong ipahiwatig sa aking sinabi sa huli at iyon ay makaligtas sa lugar na ito. Pero sa kakayahan ko ay malamang ay hindi ako magtagumpay." Sambit ng binatang si Van Grego habang nakangiti. Makikita ang kakaibang tingin nito maging sa ngiti nito.

"Siyempre alam ko naman iyon. Hindi naman kami mangmang para hindi maintindihan ang sinabi mo lalo na at sa Cultivation Level mo ay siguradong malaki ang tsansang mapahamak ka sa lugar na ito lalo na at punong-puno ng panganib ang lugar rito. Maaari namang pag-usapan natin iyan kung tatanggalin mo ang metal bracelets mo na nakalagay sa kamay ko at sa binti ng aking nakababatang kapatid. "Seryosong sambit ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf hàbang nakatingin sa gawi ng binatang si Van Grego. Tila ba hindi nito mapigilang mabalutan ng kuryusidad sa kakaibang kilos at pananalita ng binatang mula sa lahi ng tao. Mayroong kung ano'ng nais ipahiwatig ang binatang ito sa kaniya.

"Hindi ko maaaring tanggalin ang metal bracelet na iyan dahil isa iyang Slave Bracelets at isang taon ang maaaring hintayin mo bago mawala ang epekto ng nasabing bagay na ito. Kahit ako ay walang magagawa para dito. Isa pa ay hindi ko kayo maaaring pakawalan pa dahil kayo lamang ang maaaring makatulong sa akin para makalabas sa bulubunduking ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang naging seryoso na muli ang ekspresyon nito hàbang sinasalita ang mga bagay na ito.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon