Chapter 18

91 14 0
                                    

Nakakamangha ang senaryong nakikita ng binatsng si Van Grego. Napakalapad ng nasabing bridge at masasabi ng binatang si Van Grego na napakaganda ng lugar na ito dahil tila ba hindi ito gawa lanang ng mga ordinaryong tao o mga nillang lamang kundi ng isang pambihirang nilalang.

Nang lingunin ng binatang si Van Grego ang kaniyang likurang bahagi ay napansing niyang tila wala na ang nasabing Space Door na pinasukan niyak anina kundi isa na lamang malawak at napakataas ma pader. Til ba una pa lamang ay parnsg hindi nag-eexist ang bagay na Space Doors maging ang naging daan niya kani-kanin lamang para makapunta sa mismong lugar na ito.

Bago pa man umapak paabante ang binatang si Van Grego ay mabilis na humuni ang nasabing kakaibang bagay na siyang naglilikha ng animo'y mekanikal na boses.

"Welcome to Myriad Snake Level 1 Game: Crossing the Bridge! Player Scanning... Completed. Game Difficulty is lessen by 1000%  due to lower Cultivation of Player. All you need is to survive and don't be a prey, be a host!" Sambit ng mekanikal ns boses na hindi matukoy kung saan nagmumula ito.

"Ay pesteng buhay naman ito. Bakit napakamalas ko naman. Isa na namang malaking problema ito oh. Grabe naman ang lugar na ito dahil mundo pala ito ng laro." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Hindi niya aakalaing nasa loob pala siya ng Myriad Maze na siyang hindi niya pa napupuntahan at lalong hindi niya alam maaaring maging sistema ng larong ito.

"Wait, ilan nga ba ang Level ng palarong ito ng Myriad Maze?! Tsaka bumaba ng 1000 percent? Seriously?!" Sambit ng binatang si Van Grego nang malakas sa nasabing Mechanical voice sa kung saan man nakalagay ito o kung sino mang nagpapaganan nito.

"Level difficulty is depending on your Cultivation Level to make a fair result of the game." Sambit ng mechanical voice na tila ini-explain nito ang game.

"Ang galing ng sagot ng mechanical voice na ito, umulit Lang hahaha..." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Ayaw niyang magkaroon ng penalty. Natawa lamang siya ngunit naintindihan niya naman ang pinupunto nigo.

"Wait, huli na talaga to. Pwede bang umatras sa ngayon?! Tsaka anong benepisyo ang makukuha ko?!"" Sambit ng binatang si Van Grego sa nasabing Mechanical voice. Tila ba umaasa ito na pakikinggan siyang muli ng nasabing mechanical voice.  Wala namang masama upang magbakasakali lamang.

"Hindi na pwede. Madi-disqualied ka muna bago mangyari iyon. Hanggang Level 10 ang nasabing game na ito at maaaring hindi ka muna sumali sa susunod na mga laro. All injuries are reflected to your own body but Don't worry, this comes with the unbelievable price, All the result and benefits wil reflect it to your own body even your Cultivation Level. Dont miss this chance, Goodluck Player!" Sambit ng mechanical voice na tila binigyan niya ng hint ang binatang si Van Grego.

Tila namangha naman ang binatang si Van Grego sa Kaniyang narinig. Isa itong magandang oportunidad para sa kaniya. Sinong mag-aakalang mayroon palang lugar sa Myriad Maze na mayroong laro. Ang tanging alam niya noon ay ang napakadelikadong maze pero tila maze din ang larong ito ngunit mayroong lebel. Wala man siyang kaalam-alam sa kung paano siya nakapunta rito ay nagpapasalamat pa rin siya.

Agad siyang tumapak sa nasabing bridge. Sanay naman siya sa mga pagsubok at isa lamang itong laro ngunit alam niyang delikado talaga itong larong ito ngunit gusto niyang lumakas kaagad.

Nagsimulang maglakad ang binatang si Van Grego habang makikitang maingat ito sa pagtapak. Hindi siya maaaring magpadalos-dalos. Isa itong laro ngunit buwis buhay ito. Kapag kasi nagkasugat siya dito ay magkakaroon din siya ng sugat sa mismong katawan niya. Kung malulunod siya dito o mapapaslang ay siyempre mapapaslang din siya. Hindi ito basta-basta lamang na laro kundi isa itong uri ng Game of Life and Death.

ANCESTRAL GOD'S ARTIFACTS [Volume 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon